Isang mag-aaral na Amerikano na si Pierce Gissler McDonnell ang nakapagkamit ng unang gantimpala sa 2022 Foreign Students Chinese Public Speaking Competition sa Taipei. Nagprisinta siya ng isang talumpati sa paksang “How I see Taiwanese religion” na naglalarawan ng isang ritual ceremony sa gitnang Taiwan.
Isa si McDonnell sa 54 na kalahok mula sa 16 na bansa. Pumangalawa sa paligsahan ang isang Amerikano, si Clay Skaggs na nagbigay ng talumpati tungkol sa kung okay lang bang magsinungaling. Ang kanyang talumpati ay nakaayon sa kanyang naging karanasan sa kanyang partner.
Ang speech competition ay ginaganap taun-taon tuwing Nobyembre sa Sun Yat-sen Memorial Hall sa Taipei. Ayon kay Director Wang Lan-sheng (王蘭生), layunin ng kompetisyon na makahimok ng mga mag-aaral mula sa ibang bansa na matamo ang kanilang Mandarin learning goals. Ang event ay nagbibigay din ng pagkakataon upang makilala ang Mandarin education programs sa Taiwan.
Sinusukat ng kompetisyon ang mga natutunan ng mga mag-aaral sa Chinese bilang isang foreign language. Tinataya ang mga kalahok ayon sa kanilang speech gestures, expression, at iba pang kasanayan. Nakatanggap ang mga nanalo ng pera, sertipiko, at media coverage bilang gantimpala.