close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Tsai, nagbitiw bilang DPP chair matapos ang setback sa eleksyon

  • 08 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Tsai, nagbitiw bilang DPP chair matapos ang setback sa eleksyon
President Tsai resigned her post as DPP leader. (Source: CNA)

Nagbitiw is Pangulong Tsai Ing-wen (蔡英文) sa kanyang tungkulin bilang lider ng namumunong Democratic Progressive Party (DPP). Ito ay naganap matapos na matalo at hindi nakuha ng partido ang tatlong pinakamatataas na posisyon sa liderato sa tatlong lungsod sa nakaraang eleksyon noong Sabado.

Ayon kay Tsai, nirerespeto niya ang desisyon ng mga Taiwanese at nauunawaan na mataas ang kanilang mga ekspektasyon. Ayon sa pangulo, aakuin niya ang responsibilidad sa resulta ng naganap na eleksyon.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nagbitiw si Tsai bilang DPP chairperson. Ang huli niya pagbibitiw ay naganap noong 2018 nang matalo rin ang kanyang Partido na makuha ang ilang matataas na posisyon noong lokal na eleksyon ng taong iyon. Kung mananatili ang resulta ng eleksyon noong Sabado, ang ruling party ng Taiwan ay magkakamit lamang ng limang matataas na posisuon sa 22 localities ng bansa. Kasama sa mga lugar na natalo ang Partido ay sa Keelung, Hsinchu City, at Taoyuan.

Samantala, ayon kay Tsai, nagsabi na rin si Premier Su Tseng-chang (蘇貞昌) na nagbitiw na rin siya sa tungkulin. Subalit sinabihan niya ang Premier na magpatuloy sa kanyang panunungkulan at magtulungan sa pamamahala.

Comments

Latest Newsmore