close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Opposition Kuomintang malaki ang naipanalo sa hilagang Taiwan

  • 08 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Opposition Kuomintang malaki ang naipanalo sa hilagang Taiwan
Chiang Wan-an at his victory speech in Taipei (CNA photo)

Ang main opposition party ng Taiwan ay nanalo ng mga posisyon sa liderato sa hilagang Taiwan. Ang mga kandidato sa pagka-alkalde (mayor) ng Kuomintang sa Taipei, New Taipei, at Taoyuan ay pabor na nanalo sa kanilang pagtakbo. Ito ay naganap matapos makita ng Democratic Progressive Party (DPP) na matatamo nila ang pagka-alkalde sa Tainan at Kaohsiung sa katimugang Taiwan.

7:30pm, local time, tumanggap na ng pagkatalo ang mga kandidato sa pagka-alkalde na sina Taipei mayor candidates Chen Shih-chung (陳時中) and Vivian Huang (黃珊珊). Bunga nito, tinatayang ang mananalo ay ang kandidato ng KMT at dating abogado ng silicon valley na si Wayne Chiang (蔣萬安). Ang pagkapanalo sa pagka-alkalde sa Taipei ay karaniwang nagiging steppingstone para sa pagkapangulo sa Taiwan.

Sa New Taipei, tumanggap na rin ng pagkatalo ang kandidato sa pagka-alkalde ng DPP na si Lin Chia-lung (林佳龍) laban kay KMT mayor Hou You-yi (侯友宜). Si Hou ay muling ibinoto at nakakuha ng mahigit 60% ng boto sa pinakamataong lungsod ng Taiwan. Si Hou ang isa sa mga kilalang alkalde sa Taiwan.

Malaki rin ang pagkapanalo ng KMT sa Taoyuan na nagdulot ng pagkabaliktad sa posisyon ng mga alkalde. Nagdeklara na ng pagkapanalo si KMT mayor candidate Chang Shan-cheng (張善政) sa nasabing lungsod. Ang kampanya ng DPP ay nahaluan ng iskandalo matapos magbitiw sa pagtakbo ang una nitong kandidato na si Lin Chih-chien (林智堅) nang ipawalang-bisa ng 2 unibersidad ang kanyang master’s theses bunga ng plagiarism.

Samantala, hawak ng DPP ang posisyon ng liderato sa Kaohsiung at Tainan. Nanalo sa mahigpit na labanan si Mayor Huang Wei-che (黃偉哲) sa Tainan at ang kanyang kasama naman sa Kaohsiung na si Chen Chi-mai (陳其邁) ang napanatili sa posisyon. Ang Katimugang Taiwan ang traditional base ng DPP.

Kung mananatili ang resulta ng eleksyon, kontrolado na lamang ng DPP ang dalawa sa anim na malalaking lungsod ng Taiwan.

Comments

Latest Newsmore