close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang mga dayuhang manlalakbay ay magbabayad na para sa sariling paggamot sa COVID sa susunod na taon

  • 10 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Ang mga dayuhang manlalakbay ay magbabayad na para sa sariling paggamot sa COVID sa susunod na taon
Taiwan Taoyuan International Airport (photo: CNA)

Ang mga dayuhang manlalakbay ay kailangang magbayad na para sa paggamot sa COVID simula Enero 1, 2023. Iyan ang salita mula sa Center for Disease Control (CDC) noong Lunes. Ang lahat ng bayarin sa paggamot na may kaugnayan sa COVID ay sakop ng gobyerno sa kabila ng status ng health insurance noong 2022.

Nakikita ng Taiwan ang tuluy-tuloy na pagdami ng bisita habang pinapagaan ng bansa ang mga patakaran nito sa quarantine at hindi na ililimit ang lingguhang pagdating ng mga pasahero mula Disyembre 10. Ayon sa pinakabagong update mula sa CDC, ang mga bayad sa paggamot sa COVID para sa mga indibidwal na mamamayan ng Taiwan anuman ang status ng health insurance, ang mga dayuhang may Taiwan health insurance, at ang mga dayuhang nagtatrabaho sa Taiwan ay saklaw pa rin ng gobyerno.

Iminumungkahi ng CDC sa mga bisita na magsecure ang travel health insurance bago umalis ng bansa at gawin ang mga tamang hakbang sa pag-iwas sa COVID tulad ng palagiang paghuhugas ng kamay habang naglalakbay. Inalis ng Taiwan ang mandato nito sa panlabas na facemask, ngunit kailangan pa rin ang gumamit ng facemask sa pampublikong sasakyan at mga events sa Taiwan.

Comments

Latest Newsmore