Nanalo ang Taiwan ng siyam na medalya sa Badminton Asia Junior Championships sa Thailand. Nakakuha ang Team Taiwan ng record-breaking na siyam na medalya: limang gold at apat na bronze sa Badminton Asia Junior Championships na ginanap sa Thailand mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 4.
Tinalo ng Taiwan badminton player na si Yi Chung-hsiang (易仲祥) ang kanyang kalaban mula sa India sa U-15 finals, dito nakuha ang unang gintong medalya ng Taiwan. Sinabi ng Chinese Taipei Badminton Association na ang limang ginto at apat na tansong tagumpay ng koponan ay naglagay saTaiwan sa nangungunang bansa sa kabuuang bilang ng medalya laban sa mga kalahok na 15 bansa.
Sinabi ng asosasyon na nagho-host sila ng mas maraming junior tournaments sa mga nakaraang taon upang bigyan ang mga batang manlalaro ng higit na karanasan at exposure. Ang Taiwan ay nakikipagkumpitensya sa ilalim ng pangalang Chinese Taipei tulad ng ginagawa nito sa Olympics.