Nagsalita si Pangulong Tsai sa 2022 Women in Science and Technology Conference
Sinabi ni Pangulong Tsai Ing-wen (蔡英文) na ang kababaihan sa science and technology ay isang mahalagang puwersang upang itulak ang Taiwan. Ginawa ni Tsai ang pahayag sa 2022 Women in Science and Technology Conference sa isang videotaped speech. Ang kaganapan na pinamagatang "A New Workplace of Co-Prosperity" ay ginanap sa National Taiwan University Hospital convention center noong Biyernes.
Sa kanyang talumpati, itinuro ni Pangulong Tsai na ang industriya ng teknolohiya ng Taiwan ay sumasakop sa mga pangunahing posisyon sa internasyonal arena. Kapansin-pansin aniya ang mga nagawa ng mga kababaihan sa madla, lalo na ang mga pag-aalaga ng mga pamilya habang nagsusumikap sa kanilang karera nang sabay-sabay. Sa wakas, pinasalamatan niya ang mga dumalo para sa kanilang kontribusyon sa propesyonalismo at sa pagbibigay ng halimbawa para sa mga Taiwanese na kababaihan.
Ang gender equality ng Taiwan ay pumapang-anim sa 163 countries and first in Asia. Ang Taiwan ay tumanggap na din ng international recognition habang ito ay patuloy na nililinang ang diverse, equal and inclusive environment para sa lahat