close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Inaasahang tataas ang kaso ng COVID-19 ngayong holiday season

  • 15 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Inaasahang tataas ang kaso ng COVID-19 ngayong holiday season
Crowds gathered to watch the Taipei 101 fireworks on New Year's Eve 2021-2022. (Photo: CNA)

Tumaas ang mga kumpirmadong kaso ng mga may COVID-19 sa Taiwan nitong nakaraang apat na araw kumpara noong nakaraang linggo. Ayon kay Deputy Health Minister Wang Pi-sheng (王必勝), ang mga kaso ay bunga ng mga bagong pagluluwag sa mga restrikyon at nagbabala na inaasahan itong tumaas sa nalalapit na holiday season.

Mayroong kumpirmadong10,824 na mga bagong kasong lokal ng COVID-19 noong Lunes. Ayon kay Wang ang bilang na mga kumpirmadong kasong lokal ay pababa na nitong siyam na linggong nakararaan, subalit inaasahan naman ang muling pagtaas nito sa nalalapit na hinaharap.

Nagbabala rin ang health ministry na kung magluluwag ang China ng kanilang mga travel epidemic policies para sa nalalapit na pagdiriwang ng Lunar New Year, siguradong may pagtaas ng mga kaso sa Taiwan. Sa kasalukuyan, hinihingi ng China na sumailalim sa PCR screening ang outbound passengers nito subalit hindi sigurado kung hanggang kailan nila ito isasagawa. Kinokonsidera ng epidemic prevention control center ng Taiwan ang pagdaragdag ng mga prevention at control policies para sa mga turistang papasok sa bansa.

Malawakang bilang ng impeksyon ang nagbunga matapos ang pagdalo sa mga concert sa South Korea at matapos na luwagan ng nasyon ang kanilang mga patakaran sa restriksyon. Sinabi ni Wang na ang malawakang pagtitipon ng mga tao ay nagdadala ng mataas na antas ng panganib ng hawahan ng sakit. Para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko, Bagong Taon, at Lunar New Year, inirerekomenda sa publiko ang pagsusuot ng mask, iwasang kumain at uminom sa gitna ng mga pagtitipon, at panatilihin ang social distancing. Dagdag pa rito, lahat ng may mga simtomas ay hindi na dapat pang makilahok sa mga malawakang pagdiriwang na ito.

Comments

Latest Newsmore