close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ipinagbabawal ng China ang beer, kaoliang sorghum liquor, at mga seafood mula sa Taiwan

  • 15 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Ipinagbabawal ng China ang beer, kaoliang sorghum liquor, at mga seafood mula sa Taiwan
China has recently suspended the import of certain alcohols among other products. (Photo: CNA)

Ipinahayag ng China ang panibagong pagbabawal sa pagbili ng beer, Kinmen kaoliang sorghum liquor, at mga aquatic products mula sa Taiwan. Ito ang tinalakay nang magpulong ang ng lehislatura noong Lunes.

Ayon kay Economic minister Wang Mei-hua (王美花), ang nasabing ban ay ayon sa hindi kumpletong impormasyon ng rehistro nito sa Chinese system. Ayon pa sa kanya, nakararanas ang Taiwan ng hindi pantay na pagtrato mula sa China at kinokonsidera din ng World Trade Organization (WTO) na hindi pangkaraniwan ang registration system ng China. Ayon naman kay Finance Minister Su Jian-rong (蘇建榮), dahil parehong miyembro ng WTO ang China at Taiwan, mas mainam na magnegosasyon na lamang ang dalawang partido sa halip na gumamit ng mga non-tariff trade barriers.

Ayon kay Su, ang mga iniluluwas ng Taiwan na mga inuming alcoholic sa China kada taon na nagkakahalaga ng NT$3.7 billion o mahigit US$120 million at NT$1 billion o higit-kumulang US$33 million ay apektado ng panibang ban na ito. simula pa noong Enero, nakipagpulong sina Wang at Su upang bigyang payo ang mga manufacturer sa pagsasagawa ng mga hakbang upang matugunan ang sitwasyon.

Namuhunan ang Taiwan ng NT$200 million sa paglulunsad ng Taiwan Global Food Initiative noong 2022. Layunin ng proyekto na makalikha ng tinatayang NT$1.7 billion na halaga ng mga business opportunities sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa susunod na taon. Ayon kay Wang, patuloy na isusulong ng economic ministry ang export sales at palawakin pa ang international marketing.

Comments

Latest Newsmore