close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Nakatakdang Muling Buksan Ang Tulay ng Nanfangao Pagkatapos Gumuho ito Tatlong Taon na Ang Nakararaan

  • 16 December, 2022
  • 呂曉倩
Nakatakdang Muling Buksan Ang Tulay ng Nanfangao Pagkatapos Gumuho ito Tatlong Taon na Ang Nakararaan
Photo CNA

Tatlong taon na ang nakalipas, gumuho ang Nanfang'ao Bridge sa Yilan County na ikinamatay ng 6 na migranteng fishermen at nasugatan ang 12 katao. Pagkatapos ng muling pagdidisenyo, nakatakda na itong muling buksan at tumulong na buhayin ang lokal na ekonomiya.


Ang Nanfang'ao Bridge sa Yilan County ay nakatakdang muling buksan sa ika-18 ng Disyembre. Ang aksidenteng ito ay may malubhang epekto sa lokal na turismo.  Ang mga mangingisda ay sabik na naghihintay sa muling pagbubukas at umaasa na ang tulay ay magdadala ng mga turista pabalik sa lugar.  Ipinaliwanag ng isang manggagawa na namamahala na ang muling idinisenyong tulay ay may tema ng mackerel fish. Sinabi niya na ang mas malaking estatwa ng isda na nakaharap sa loob ay kumakatawan sa klase ng isda na kanilang hinuhuli, at ang mas maliit ay sumisimbolo sa mga isda na lumalangoy sa karagatan.


Ang disenyo ng tulay ay ipinagibayo ang pag-iilaw upang  matiyak na ito ay namumukod-tangi sa parehong araw at gabi.  Sinabi ng Su'ao mayor na inaasahan niyang magbubukas ang tulay sa Linggo. Umaasa siyang ito ay sumisimbolo sa muling pagkabuhay ng Nanfang'ao.


Dahil sa incidentenre ang mga bisita sa Nanfang'ao ay nabawasan kasunod ng pagbagsak ng tulay at dahil na rin sa pandemya.  Ang isang lokal na may-ari ng negosyo ay nagsasabi na sa palagay niya ang tulay ay makakaakit ng mas maraming bisita at mausisa na mga mamamayan. Ang isa pa ay nagsabi na umaasa ang mga residente na ang disenyo ng tulay ay makakatulong sa  kaginhawaaan at makatutulong sa pagbalik sa normal na pagkabuhay ng mga negosyo.

Comments

Latest Newsmore