Ang Taiwan ay ginawang sumunod sa mas mahigpit na mga regulasyon kapag nag-e-export ng mga kalakal sa China. Iyan ang salita mula sa Health Minister na si Hsueh Jui-yuan (薛瑞元) noong Miyerkules. Ang Taiwan ay nakakita ng isang serye ng mga pagbabawal sa pag-import mula sa China ngayong taon, kabilang ang mga isda at prutas.
Ang negosyong naapektuhan ng mga regulasyon sa pag-import kamakailan lang ay ang Chia Te bakery, na sikat sa mga pineapple cake nito. Ang panaderya ay hiniling na magbigay ng karagdagang impormasyon, tulad ng ratio ng mga sangkap na ginagamit sa kanilang mga produkto at mga plano sa mga parte ng mga pabrika ng produksyon.
Sinabi ng ministro na mayroong pagkakaiba ang mga patakaran para sa mga Taiwanese at iba din ang mga para sa dayuhang negosyo na nag-e-export ng mga kalakal sa China. Sinabi niya na ang mga kumpanya ng Taiwan ay hinihiling na isumite ang mga kinakailangang form sa papel at hinihiling na magbigay ng karagdagang impormasyon. Samantala, ang ibang mga dayuhang kumpanya ay nakakakumpleto ng mga form online at hindi kinakailangang magbigay ng parehong uri ng karagdagang impormasyon.
Sinabi ni Hsueh na ang proseso ay lumilikha ng mga karagdagang hadlang para sa mga negosyong Taiwanese. Sinabi niya, gayunpaman, na ang ministeryo ay patuloy na tutulong sa mga kumpanya sa pagkumpleto ng mga kinakailangang papeles. Hinihikayat din niya na ang mga negosyante na sundin ang napapanahon na impormasyon sa mga regulasyon sa pag-import ng China.