close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang New Taipei City ay nagtayo ng unang komunidad na angkop sa dementia

  • 17 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Ang New Taipei City ay nagtayo ng unang komunidad na angkop sa dementia
Photo: CNA

Nakumpleto ng Bagong Pamahalaang Lungsod ng New Taipei ang kauna-unahang dementia-friendly na komunidad sa Pingxi bilang paghahanda para sa mabilis na pagtanda ng populasyon. Sinabi ng direktor ng Far Eastern Memorial Hospital na si Chiu Kuan-ming (邱冠明) na tumatanda na ang demographics ng Taiwan at sa loob ng 15 taon higit sa 1/3 ng populasyon ay lampas sa edad na 65. Idinagdag niya na isa sa labindalawang tao sa edad na 65 at isa sa limang tao na higit sa 80 taong gulang ay kasalukuyang dumaranas na ng demensya.

Ang Far Eastern Memorial Hospital ay matatagpuan sa isang metropolitan area at gumagawa ng initiative upang makipagtulungan sa mga pangunahing negosyo upang bumuo ng mga facilities para sa dementia. Kasama sa mga negosyo ang mga kumpanyang kaakibat ng Far Eastern gaya ng MegaCity, Far Eastern Department Stores, Far Eastern Telecom, at iba pa.

Ang dementia-friendly trainings ay naka-target sa mga front-line na empleyado sa pamamagitan ng mga workshop, scenario videos, at scripting arrangements. Ang mga gawaing ito ay upang itaas ang kamalayan ng empleyado sa demensya, at palakasin ang kanilang pagmamasid at pagiging sensitibo sa mga pasyente nila.

Ang mga kalahok ay na-certify ng city health bureau at ng Far Eastern Memorial Hospital bilang "Dementia Care Stations" at "Dementia Friendly Businesses." Umaasa ang ospital na lalawak ang kaalaman ng mga taga Pingxi sa New Taipei City at sa iba pang mga komunidad sa labas ng Pingxi upang gawin silang mga dementia friendly cities.

Comments

Latest Newsmore