Ito na yata ang the greatest games na naganap sa Qatar na kinalokohan ng mga tao sa buong mundo. Kung sana napanood ninyo itong kanilang final games, makikita ninyo full packed ang stadium na palagay ko hindi lang taga Qatar ang mga nandoon, kungdi, mga taga ibang bansa na dumalo doon para makita ang kanilang very exciting na final games ng Argentina versus France. Napapanood din ito live sa mga clubs, restaurants, mga iba pang establisimiento, para sila ay mapuntahan at hindi magmiss ng games na ito. Ang dami din mga pustahan na naganap sa buong mundo. Talaga naman very, very exciting manood.
In the beginning, nanalo na ang Argentina ng 2-0, sa hindi inaasahang chance gumawa ang France kaya naging 2-2 sila, then Argentina 3 – France 2, so, pilit din gumawa ang France ng isa pa kaya nag-tie score sila. Finally after the given limited time is up nagdecide na ang game authorities na idaos ang “penalty kick”, sa Taiwan and Japan tawag nila “PK”, kung saan pipili ang coach kung sinong iba-ibang players ang sisipa ng bola papasok sa net ng limang beses. Unfortunately, nagmiss ang France ng 2 beses, at naka four na shoot naman ang Argentina at tuloy naagaw nila ang championship trophy. Very thrilling talaga itong game na ito, palagay ko lang sa ibang lugar naglulundagan ang mga maka-Argentina katulad ng mga spectators sa gym sa Qatar. Hindi lang lundagan, iyakan pa nga ang mga nanalo ganun din ang mga natalo. It was really a very touching moment to witness such a success for Argentina and great sadness of the French players and fans.
Itong game ng football ay dinadaos every four years sa iba’t-ibang nations. Ang sarap lang manood, pati ang mga nasa kabahayan na nanood ng live ay naglulundagan at nagsisigawan din, ganuon ka-exciting talaga ang game na ito which is ang tingin ko hindi easy gawin, pero sa mga players themselves, sanayan na lang at pahusayan. We all Congratulate Argentinians for their overwhelming success na hindi naman talagang easy to obtain!
Nangunguna sa gumawa para sa Trophy ay si Leonel Messi, sya ang lead player ng Argentina, siya talaga ang inaasahan ng kanyang koponan na manalo. Natanggap nya ang Golden Globe Award at Golden Hand Award ang kanilang Goalkeeper. Ito na rin ang kanyang last game dahil gusto na nya magretire. Hanapin lang sa internet ang pinagmulan ni Messi hanggang sa matamo nya ang kanyang mga tagumpay, very touching talaga. Ang Argentina ay tatlong beses na nagchampion: 1978, 1986 at 2022.
Pumangalawa ay ang France na pinangunahan naman ni Kylian Mbappe. Sya na rin ang gumawa ng mga winning points, at natanggap nya ang European Golden Shoe Award