Magkasamang nag-co-host ang Radio Taiwan International (Rti) at Kainan University noong Huwebes. Nakatuon ang pagpupulong sa epekto ng pinaigting na strategic competition sa pagitan ng US at China.
Binigyang-diin ng forum ang mga pinakabagong mga pangyayari kasama ang ika-20 Party Congress ng Communist Party ng China, ang halalang midterm sa US, at ang pagpupulong sa pagitan ni US President Joe Biden at pinunong Xi Jinping ng China noong Nobyembre.
Kasama sa mga kinatawan ang mga scholars at mga eksperto na tinalakay ang kung paano masisiguro ng Taiwan ang kanyang pambansang seguridad at mapanatili ang kapayapaan sa Taiwan Strait. Ayon kay Rti Chairperson Lai Hsiu-ju (Lai Xiuru), ang kumprontasyon sa pagitan ng United States at China ay umaabot na sa puntong kritikal. Ayon pa sa kanya, patuloy na ginagamit ng Rti ang serbisyo nito sa 18 wika upang makapagbahagi ng impormasyon tungkol sa Taiwan para sa buong mundo.
Ayon naman kay Kainan University head Yen Chi-kuang (Yan Zhiguang), ang tensyunadong relasyon sa pagitan ng US at China sa nakaraang dalawang taon ay nagpabago sa pandaigdigang economic environment. Idinagdag na pa niya na ang nasabing forum ay makapagbibigay ng oportunidad para sa mga mag-aaral at sa university na matutunan ang tungkol sa mga pangunahing salik na nagpapabago sa pandaigdigang sitwasyon.