Sinabi ng Chiayi Prison Museum ng Taiwan na makikipagsosyo ito sa Abashiri Prison Museum ng Japan upang isulong ang turismo at turuan ang mga tao sa mga kasaysayan ng mga bilangguan. Ang dalawang museo ay pumirma ng magkasanib na kasunduan noong Martes upang madagdagan ang mga cross-cultural exchange.
Binuksan ang Chiayi Prison Museum noong 1922 at isang pambansang monumento. Ang Ministro ng Hustisya na si Tsai Ching-hsiang (蔡清祥) na nagsabi na ang Chiayi Prison Museum ay makabuluhan sa kasaysayan dahil ang buong arkitektura nito ay napapanatili pa rin nang husto. Nagbabahaagi din ito ng ilang natatanging tampok sa disenyo sa Abashiri Prison Museum ng Japan.
Sinabi ni Tsai na ang Taiwanese museum ay may potensyal na turismo at umakit ng 50,000 katao nang bahagya itong ginawang youth hostel para sa isang eksibisyon noong nakaraang taon. Sinabi niya na umaasa siyang ang partnership na ito ay magbibigay-daan sa mas maraming turista na maunawaan ang kasaysayan sa likod ng mga bilangguan at ang kanilang kahalagahan sa mga komunidad.