close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mula 1/15 sa susunod na taon, ang care service para sa mga kumpirmadong pasyente ay ikakansela na, bagkus gagawin nang normal ang pagbibigay ng home care.

  • 29 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Mula 1/15 sa susunod na taon, ang care service para sa mga kumpirmadong pasyente ay ikakansela na, bagkus gagawin nang normal ang pagbibigay ng home care.
Luo Yijun, deputy head ng medical response team ng Central Epidemic Command Center. (File photo/Ibinigay ng Command Center)

Ang mga kasalukuyang pasyente na may mild COVID-19 na sakit at sumasailalim sa home care ay makatatanggap ng pagsusuri at tracking services mula sa klinika, kasama na rito ang pagtanggap ng mga tawag mula sa klinika, SMS o Line bilang follow-up care. Nagpalabas ng sulat ang Central Epidemic Command Center nitong mga nakaraang araw na nagpapaalala na ang case management at tracking services ay ikakansela na mula Enero 15 ng susunod na taon na nagdulot ng pagkadismaya mula sa mga maliliit na klinika. Ayon kay Luo Yijun, ang deputy head ng Medical Response Team, noong (27th), na ang pangunahing dahilan sa pagkakansela ng mga nasabing serbisyo ng mga maliliit na klinika ay sa kadahilanang hindi sila makakapagdeploy ng mga tauhan sa pagdiriwang ng Spring Festival.

Binigyang-diin ni Luo Yijun na bilang pagtugon sa pagbabalik-normal mula sa COVID-19 epidemic, paulit-ulit na impeksyon, at tuluy-tuloy na community epidemics, at upang mas epektibong magamit ang mga epidemic prevention resources at maisaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga medical services sa pagdiriwang ng Spring Festival, nagpalabas ang command center ng sulat noong Disyembre 22 na nagsasaad na simula sa susunod na taon hanggang March 15, ang pagsusuri at tracking measures para sa case management ng home care related medical care services ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ikakansela na, subalit ang mga pangunahing serbisyong medikal gaya ng “rapid positive diagnosis” "telediagnosis", "oral antiviral drugs" ay kanselado na rin. Samantala, ang "Diagnosis", "Home Medicine Delivery" at iba pang nilalaman ay hindi mababago.

Ayon kay Luo Yijun, nalalapit na ang Lunar New Year at ayon sa mga local health bureaus at mga klinika na kung mapapanatili ang mga serbisyo ng home care sa 10-araw na holiday ng Spring Festival, hindi makakayanan ng maliliit na klinika ang magpadala ng mga tauhan upang tumawag at magsagawa ng mga follow-up. Bilang pagsasaalang-alang na kailangan ding makapagpahinga ang mga tao sa mga maliliit na klinika sa panahon ng Spring Festival, lahat ng klase ng serbisyong hindi kasama sa core medical services ay kanselado mula January 15 ng susunod na taon, at ang lahat ng mga resources ay itutuon sa diagnostic interpretation, video diagnosis, at pagrereseta. Sa panahon ng Spring Festival, lahat ng mga may kaugnayan sa medical care services ay may karagdagang kabayaran ng 50% o 100%.

Binigyang-diin rin ni Luo Yijun na bilang pasasalamat sa mga institusyong medikal at makapagbigay ng mga insentibo sa panahon ng Spring Festival (Enero 20 hanggang 29 ng susunod na taon), lahat ng mga kumpirmadong kaso ay bibigyan ng home-care related medical services, kasama ang kabayaran para sa medical examination, kabayaraan sa pharmaceutical service, at kabayaran para sa home delivery. Ang Health Insurance Department ng Ministry of Health and Welfare ang siyang mangagasiwa sa pagkukwenta at pagbibigay ng kabayaran. Hindi na kailangan pang gumawa ng mga adjustment sa points at iba pang impormasyon ang mga institusyong medikal sa panahon ng declaration period; mula Enero 21 hanggang 25 ng susunod na taon (Bisperas ng Bagong Taon hanggang sa ikaapat na araw ng Lunar New Year), ang karagdagang kabayaran ay 100%, at sa nalalabing araw ng Spring Festival, kasama ang Enero 20 at Enero 26-29, ang karagdagang kabayaran ay 50%

Pagkatapos ng Spring Festival, magbabalik ba ang mga case management assessment at follow-up service? Ayon kay Luo Yijun, sa kasalukuyan, ang tinatayang peak ng epidemic ay babagsak pagkataos ng Lunar New Year hanggang sa unang bahagi ng Pebrero ng susunod na taon. Sa mga panahong iyon, nakadepende ang desisyon sa magiging pagbabago ng epidemic situation. Kung hindi magkakaroon ng malaking pagbabago sa epidemic situation, magpapatuloy ang pagsulong ng pagsasanormal ng home care at medical care.

Comments

Latest Newsmore