close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pangulong Tsai: Tumaas ang Compulsory service salary ng 26,307 yuan

  • 29 December, 2022
  • 汪馬雪莉
Pangulong Tsai: Tumaas ang Compulsory service salary ng  26,307 yuan
(Larawan mula sa Facebook page ni Pangulong Tsai Ing-wen)

Nagsagawa ng isang press conference si Pangulong Tsai Ing-wen nitong hapon (27th) tungkol sa "Strengthening the National Defense Force Structure Adjustment Plan", na naghahayag na ang compulsory service period ay pahahabain pa ng isang taon at kasabay nito ang pagtaas ng sahod ng mga compulsory conscripts. Bilang halimbawa, para sa mga pribadong sundalo, kasama sa sahod ng kanilang compulsory service ang insurance at gastos sa pagkain na tumaas ng mahigit 26,307 yuan, na halos kapareho na ng basic salary.

Bilang pagtugon sa pagpapahaba ng compulsory service period, nagpatawag si Pangulong Tsai ng high-level national security meeting noong 27th upang makagawa na ng final decision. Kinahapunan, nagsagawa siya ng press conference tungkol sa “Strengthening the National Defense Force Structure Adjustment Plan" inihayag sa press conference na mula Enero 1, 2024, para sa mga draftees na ipinanganak noong Enero 1, 2005, ang panahon ng compulsory service ay babaguhin mula 4 na buwan hanggang 1 taon.

Sinabi ni Pangulong Tsai na simula 2024, ang isang taong compulsory service ay susunod sa bagong uri ng training model, at ang apat na buwang compulsory service ay unti-unting tataasan ang antas ng pagsasanay simula sa susunod na taon. Ang compulsory service ay sasailalim sa parehong 8-week enlistment training.

Binigyang-diin rin ni Pangulong Tsai na ang mga conscripts na tutugon sa kanilang national obligation ay kailangang bigyan ng higit na suporta at ang dating pangyayari ng hindi makatuwirang paggastos ng salapi para lang magsilbi bilang mga sundalo ay kailangan nang baguhin, kung kaya’t tataasan ang sahod ng mga conscripts. Kasama sa kanilang sahod ang insurance at gastusin sa pagkain, na tumaas ng higit 26,307 yuan na halos kapantay na ng basic salary, at habang tumataas ang ranggo sa militar, kasabay nito ay ang pagtaas ng kanilang sahod. Inaasahan na sa mga pagbabagong ito sa sahod, ang mga pangunahing gastusin ng mga draftees ay mapapangalagaan na lalo na ang pagbibigay ng sustento ng kani-kanilang mga magulang. Kailangang magkaroon ng peace of mind ang mga kabataang nagsisilbi.

Bilang karagdagan, sinabi rin ni Pangulong Tsai na isusulong ng pamahalaan ang pagbabago sa batas para ang seniority sa paninilbihan ay maiuugnay na sa retirement system at ang Ministry of National Defense ang mangangasiwa tungkol sa employer’s allocation. Makikipag-ugnayan ito sa mga universities at colleges at isasaalang-alang ang mga karanasan ng ibang bansa upang maging epektibo ang oras na inilalaan ng mga draftees sa pagsisilbi. 

Sa huli, binigyang-diin ni Pangulong Tsai na halos lahat ng mamamayan ay may pusong nagmamahal sa bansa. Habang malakas ang Taiwan, magsisilbi itong tahanan ng kalayaan at demokrasya sa mundo at hindi magiging battlefield, at hindi na kailangan pang pumunta sa battlefield ang mga kabataan. Ayon kay Pangulong Tsai, kailangang ihayag ng Taiwan na “Maigting ang paniniwala natin sa demokrasya, sa pagitan ng demokrasya at diktadurya, paninindigan natin ang kapayapaan higit sa digmaan. Magpakita tayo ng katapangan at determinasyon upang maprotektahan ang ating inangbayan at ipagtanggol ang demokrasya. Naniniwala akong ito ang makakapagpanalo sa demokrasya. Victory of liberty.”

Comments

Latest Newsmore