close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Nakatakdang Bigyan ng Taiwan Ang Mga Mamamayan ng NT$6,000 Bawat Isa

  • 06 January, 2023
  • 呂曉倩
Nakatakdang Bigyan ng Taiwan Ang Mga Mamamayan ng NT$6,000 Bawat Isa
Photo CNA

Sinabi ng gobyerno ng Taiwan na magbabalik ito ng NT$6,000 na sobrang buwis sa bawat mamamayan. Ang pagbibigay ng mga red envelopes sa pamilya at mga kaibigan ay maaaring isang tradisyon ng Lunar New Year, ngunit hindi lahat ay ayon sa hakbang ng gobyerno.


Kung ikaw ay isang Taiwanese na mahilig sa cash, maswerte ka. Noong Miyerkules, inanunsyo ng mga opisyal na ang lahat ng mamamayang Taiwanese ay makakatanggap ng NT$6,000 (US$200) na galing sa sobrang buwis.


Isang tao ang nagsabi na ang pera ay magkakaroon ng malaking pagkakaiba para sa mga nahaharap sa kahirapan sa ekonomiya. Sinabi niya na kahit na ang NT$1,000 (US$32) ay malayo ang mararating, mabuti na gawing 6 times ito.


Ang isa pang lokal ay nagsabi na ang 6,000 ay mauubos kaagad. Sinabi niya ngayon na madaling gumastos ng NT$1,000 sa palengke ng gulay. Idinagdag ng isa pang tao na kung noon makadaan ka sa buong palengke at maaaring gumastos ka lamang ng NT$100. Ngunit hindi na iyon posible dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Plano ng isang 300 miyembrong clan sa Taichung ng central Taiwan na kunin ang kanilang mga voucher ng gobyerno sa napakaraming NT$1.8 milyon na idedeposito sa foundation ng kanilang clan.


Sinabi ng isang lokal na ang Taiwan ay may pambansang utang na dapat bayaran, at dapat gamitin itong pondong ito upang bayaran ito sa halip na iwanan ito sa mga susunod na henerasyon.


Tuwing Lunar New Year, humihingi ang mga Taiwanese ng sobrang budget para sa darating na taon. Mukhang ngayong taon, tinutupad ng gobyerno ang hiling na ito.

Comments

Latest Newsmore