close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Napagkamalan na nag duduroduro, binugbog hanggang mamatay ang Vietnamese immigrant worker, 4 na suspek ipinadala sa korte

  • 09 January, 2023
  • 何薇薇
Napagkamalan na nag duduroduro, binugbog hanggang mamatay ang Vietnamese immigrant worker,  4 na suspek ipinadala sa korte
Vietnamese immigrant worker pinatay, 4 na suspek ipinadala sa korte

Isang 31-anyos na Vietnamese migrant worker na may apelyidong Fan ang natagpuang patay sa isang inuupahang bahay sa Gaoshu Township, Pingtung County noong ika-6 ng Enero.  Inaresto ng pulisya ang apat na suspek noong linabukasan ng gabi ng. Sinabi ng pulisya ng Pingtung ngayong araw na ang sanhi ng pagpatay ay napagkamalan na nag du-duroduro ang biktima at sinundan ito at pinalo ng kahoy hanggang sa mamatay.

Itinuro ng pulisya na ang kaso ay nangyari bandang alas-7 ng umaga noong ika-6 ng Enero.  Ang bangkay ni Fan Nan ay natagpuan sa isang inuupahang bahay sa Gaoshu Township, Pingtung County. Matapos matanggap ng pulisya ang ulat, isinara nila ang eksena at naghanap ng ebidensya at bumuo ang isang task force para mag-imbestiga.

Sinabi ni Zheng Yingcong, direktor ng Ligang Branch ng Pingtung County Government Police Department, sa isang pinagsamang panayam sa media ngayong araw na matapos suriin at salain ang mga pangyayari, ni-lock niya ang sasakyan ng mga kriminal at nuong nalaman na tumakas ang suspek sa Taichung na nagbabalatkayo at nagpalit ng sasakyan. May kabuuang 4 na suspek, 3 lalaki at 1 babae, ang naaresto.

Itinuro ni Zheng Yingcong na naghinala ang suspek na may apelyidong Lin at mga iba pang suspek. Naghinala sila  na si Fan Nan ay itinuro sila nang mag-check out sila sa isang snack bar, at saka sinundan nila hanggang sa tirahan ng biktima at binugbog ito hanggang sa mamatay gamit ang isang kahoy.

Sinabi ng pulisya na pagkatapos ng imbestigasyon ng pulisya, ang suspek na may apelyidong Lin at iba pa ay inilipat sa Pingtung District Prosecutor's Office para sa imbestigasyon batay sa homicide.

Comments

Latest Newsmore