close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Inaprubahan ng mga mambabatas ang mga cash grants para sa mga residente

  • 19 January, 2023
  • 汪馬雪莉
Inaprubahan ng mga mambabatas ang mga cash grants para sa mga residente
Legislative Yuan (Retrieved from Congress Channel YT)

Inaprubahan ng mga mambabatas na Taiwanese ang stimulus measure upang mabigyan ang mga residenteng Taiwanese ng NT$6,000 (US$200) sa surplus tax revenue. Inanunsiyo noong Lunes ni Legislative Speaker You Si-kun (You Xikun) na ang panukalang-batas ay naipasa nang walang oposisyon sa lehislatura.

Noong Lunes, nagpatawag si You ng miting ng partido upang pag-usapan ang panukalang-batas. Matapos na maresolba ng mga major political parties ang kanilang mga hindi pagkakaintindihan, ang nasabing panukalang-batas ay naipasa matapos ang ikalawang pagbasa. Karaniwang dumadaan sa tatlong pagbabasa ang lehislasyon bago ito maipasa. Gagastos ng kabuoang US$12.5 billion ang nasabing stimulus package.

Sinabi ni DPP Majority Leader Ker Chien-ming na nais ng publiko na agad na maipasa ang nasabing package kung kaya't agaran na ring nagkasundo at umabot sa consensus ang ruling at opposition parties.

Noong nakaraang Huwebes, inaprubahan ng Gabinete ang post-pandemic stimulus measure. Kasama sa panukala ang mga cash grants sa mga indibidwal at pondo para sa mga social insurance schemes. Magbibigay din ito ng mga subsidiya para sa transportasyong pampubliko, maliliit at medium na negosyo, at pabahay.

Nang sumunod na araw, iparubahan ng lehislatura ang Taiwan ang extension ng legislative session nito sa Biyernes. Ang nasabing extension ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mambabatas na aprubahan ang stimulus package at ang budget para sa susunod na taon.

Comments

Latest Newsmore