Ang pagkahilig sa bubble tea ng Taiwan ay umabot na hanggang sa France kung saan ilang Taiwanese brands ang naging popular na sa mga lungsod ng France. Ang sweet milk tea na may tapioca balls ay paboritong paborito hindi lamang ng mga kabataang sanay na sa dayuhang kultura, kung pati na rin sa mga mag-aaral ng high school at mga may edad na office workers.
Iniulat ng Le Monde news agency na noong panahong grabe ang paglaganap ng COVID-19, hindi bukas ang mga restaurant para makainan. Binaggit din nito na ang pila sa labas ng mga bubble tea shops ang isa sa pinakahuling lugar na nawalan ng tao kung kaya’t lalong sumikat ang nasabing inumin.
Ayon kay Anais, isang medical practitioner, ang pagkakaroon ng freedom of choice ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niya ang mga inuming Taiwanese. Ayon pa sa kanya, gustong-gusto niya ang kakayahang mamimili sa napakaraming flavor, uri ng tea, sweetness level, mga sangkap nito, at pati na rin ang dami ng yelo o ice na ilalagay.
Subalit, hindi lamang ang mga Taiwanese ang kumikilos. Marami na ring mga innovative drink shops ang itinatayo ng mga Southeast Asians, Chinese, at French na nagiging kilala at nagbebenta sila ng mga makukulay na tea drinks na may mga non-traditional ingredients. Ayon kay Taiwan tea company manager Cheng Wei-yu (Zheng Weiyu), ang karisma ng Taiwan tea at iba pang hand-rolled drinks ay lumagpas na sa mga national boundaries.
Ang beverage industry ay naging isang makapangyarihang export tool na ng Taiwan. Ayon sa representative office ng Taiwan sa Paris, marami na ring mga French at non-resident Taiwanese businesspersons ang nagtatanong sa kanilang opisina tungkol sa training, mga sangkap, at mga equipment.