close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mga cruises na bumibisita sa Taiwan aabot ng 25% ng pre-COVID traffic ngayong 2023

  • 26 January, 2023
  • 汪馬雪莉
Mga cruises na bumibisita sa Taiwan aabot ng 25% ng pre-COVID traffic ngayong 2023
New building constructed in Kaohsiung to welcome international cruises this year (Photo: CNA)

Mga cruises na bumibisita sa Taiwan aabot ng 25% ng pre-COVID traffic ngayong 2023. Ayon sa ulat ni Brendan Wong nitong Enero 24, 2023, ang mga naglalakay-dagat o cruises na bumibisita sa Taiwan aabot ng 25% ng pre-COVID traffic ngayong 2023. May mga bagong gusali ding itinatayo sa Kaohsiung upang tumanggap ng mga international cruises ngayong taong ito.

Inaasahan ng state-owned port corporation ng Taiwan na ang bilang ng mga cruise lines na bibisita sa Taiwan ay aabot ng 25% ng pre-COVID levels. Mas mahigpit na mga border restrictions bunga ng COVID-19 pandemic ang mabigat na nakaapekto sa industriya ng travel at turismo, kabilang na dito ang mga paglalakbay-dagat o cruise.

Ayon sa port corporation, inaasahan nilang dumating sa Taiwan ang 90 international cruise voyages ngayong taon. Ito ay one-fourth lamang ng bilang ng dumating sa bansa noong 2019. Dagdag pa ng korporasyon, umaasa itong mapalawak ang nasabing industriya sa pamamagitan ng pag-iiba iba ng ruta ng international cruise na bibisita sa Taiwan.

Ayon kay Port manager Kao Chuan-kai (高傳kai), ang muling pagbangon ng cruise industry ay mabagal sa Taiwan bunga na rin ng hindi agad na nagluwang ang Taiwan ng kanilang COVID-19 border restrictions kumpara sa ibang bansa. Bunga nito, hindi isinama ng mga kumpanya ang Tawain nang muli silang magsimula ng negosyo noong 2022. Dagdag pa niya, na kailangan munang kumpletuhin ng mga cruise lines ang kanilang mga kontratang pinirmahan bago ang pandemiya na nagdulot ng pagkadelay ng pagbangon ng nasabing industriya sa Taiwan.

Subalit, sinabi rin ni Kao na nagpapairal na ang port ng iba’t ibang discount plan upang mabigyang insentibo ang mga mamimili at negosyong papasok sa Taiwan. Idinagdag pa niya na ang mga diskwentong ito ay walang kapantay at inaasahang makakumbinsi sa mga international cruise companies na palawigin sa Taiwan ang kanilang operasyon.

Idinagdag din ni Kao na ang pagsasara ng isang kilalang local cruise company ay nangangahulugang ang cruise industry sa Taiwan ay mas magiging malawak. Ayon pa sa kanya, ang paglawak ng industriya ang magpapataas ng presensya ng bansa bilang isang cruise destination.

Comments

Latest Newsmore