Ang mga pulang envelope o hong bao ay isa sa mga uri ng regalong ibinibigay ng mga komunidad na Chinese at sa iba’t ibang bahagi ng Silangang Asya. Ang mismong envelope ay walang mataas na halaga; subalit ang lamang pera nito ang pinakaregalo. Maaaring ibigay ang mga pulang envelope sa mga espesyal na okasyon gaya ng kasal at mga holidays gaya ng Chinese New Year.
Ang lamang pera ng pulang envelope ay depende sa okasyon at kung sino ang makatatanggap nito. Tuwing Chinese New Year, mga maliliit na halaga ng pera ang ipinamimigay sa mga magkakamag-anak at malalapit na kaibigay. Karaniwan itong ipinamimigay ng mga matatandang miyembro ng pamilya na may matatag nang kita na pwedeng ipamigay sa mga nakababatang kamag-anak at mga kabataan.
Sa pagtanggap ng pulang envelope, nararapat na magbigay ng biyaya o blessing ang mga kabataan para sa bagong taon. Karaniwang mga magulang ang tumatanggap ng mga pulang envelope sa ngalan ng kanilang mga batang anak, at sasabihing ito’y kanilang idedeposito para sa kanila. Subalit depende na sa diskresyon ng mga magulang kung mahahawakan pa ito ng mga bata o hindi na.
Ibinibigay din ang mga pulang envelope sa mga kasalan. Kabaligtaran ng tradisyon ng Kanluran na magbibigay ng mga regalo sa mga bagong kasal, ang tradisyong Chinese ay ang pagbibigay ng malaking halaga ng salapi. Lahat ng mga bagong kasal na makatatanggap ng salaping ito sa kanilang wedding reception ay umaasang makatutulong ito upang mabayaran ang kanilang mga gastos sa kasal. At kung sinuswerte, maaari din itong magamit para sa mga gastusin nila sa kanilang honeymoon trip.
Lahat ng salaping ipinamimigay ay karaniwang nagtatapos sa “even digit” gaya ng numerong 88. Karaniwan ding ipinamimigay ang salapi sa dagdag o increment ng dalawa, anim, o walo dahil itinuturing na maswerteng numero ang anim at walo. Subalit, kahit anong mangyari, dapat iwasang mamigay ng salaping may kasamang numerong apat. Ang numerong ito ay itinuturing na malas dahil katunog nito ang salitang Chinese para sa kamatayan.
Dahil karaniwan na ang pamimigay ng pulang envelope sa kulturang Chinese, ang terminong ito ay itinutumbas sa pagbibigay ng suhol o pagtanggap ng kickback sa mga negosyo at mga political circles. Subalit, marami pa rin namang mga tao ang itinuturing ang pulang envelope bilang isang malinis na tradisyon.