Nagsimula noong Biyernes ang Taipei International Comics & Animation Festival sa Nangang Exhibition Center. Ito ang ika-labingisang anibersaryo ng festival na pansamantalang nasuspinde noong panahon ng pandemya.
Magpapatuloy ang pagdiriwang sa loob ng limang araw at ang tema ngayong taong ito ay “creative metaverse.” Tinatayang dadalo sa exhibition ang 450,000 katao na hudyat ng pagbabalik nito sa pre-pandemic level.
Dumalo sa festival si Lawmaker Lai Pin-yu (Lai Pin Yu) kasama ang ibang opisyal ng pamahalaan na sinabing ang pagdiriwang ay tumatampok sa entertainment sector at soft power ng Taiwan. Ayon pa sa kanya, umaasa siyang ang mga ganitong pagdiriwang ay makatutulong sa mga paglago ng negosyo sa larangan ng comics at animation industries.
Kasama sa festival ngayong taong ito ang 100 mga manufacturer at 520 mga booths. Nagsimulang dumami ang mga taong pumila ng 4:00 AM ng Biyernes ng umaga. Ilan sa mga gawain ay ang mga meet and greet sa mga sikat na manunulat, voice actors, illustrators, at iba pa.