close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Sapilitan namuhunan ang mga negosyanteng Taiwanese sa SE Asia bunga ng tensyon sa pagitan ng US at China

  • 09 February, 2023
  • 汪馬雪莉
Sapilitan namuhunan ang mga negosyanteng Taiwanese sa SE Asia bunga ng tensyon sa pagitan ng US at China
The United States shot down a suspected Chinese surveillance balloon on Saturday, contributing to rising tensions. (Photo: Reuters)

Maraming negosyanteng Taiwanese ang napilitang mag-iba at magpalawig ng pamumuhunan sa ibang bansa bunga ng lumalalang tensyon sa pagitan ng China at United States. Ayon ito sa DBS Bank, isang multinational banking corporation, matapos pabagsakin ng US ang isang pinagsususpetsahang Chinese surveillance balloon noong Sabado.

Ayon pa sa DBS Bank, pinapalawig na ng Taiwan ang kanyang mga negosyo sa labas ng China sa nakaraang limang taon. Kasama na rito ang pagpapatayo ng mga electronics factory sa ibang bansa at pamumuhunan sa mga bansang gaya ng Vietnam, India, Singapore, at United States.

Tinataya ng bangko na iipunin ng Taiwan ang mahigit one-third (1/3) ng kanyang puhunan sa mga bansa sa Southeast Asia sa mga susunod na taon, at papalitan nito ang posisyon ng China na dating nangunguna sa larangang ito. Dagdag pa rito, maraming mga bansa sa Southeast Asia ang nabibighani sa Taiwan bunga ng kanyang mga manggagawa, pagkakaroon ng istabilisadong ekonomiya, at maluwag na pakikipagkalakalan.

Subalit ayon kay DBS senior economist Ma Tie-ying (Ma Tieying), hindi naman ito nangangahulugang tatanggalin na ng Taiwan ang kanyang mga negosyo sa mga pamilihan ng China. Ayon pa sa kanya, pananatilihin ng Taiwan ang kanyang mga supply chain at production site sa China, habang isinasaalang-alang ang ibang bansa para sa mga bagong oportunidad sa pamumuhunan sa pagluluwas o eksport.

Comments

Latest Newsmore