close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Muling bubuksan ng Taiwan ang visa applications mula sa HK at Macau simula Pebrero 20

  • 16 February, 2023
  • 汪馬雪莉
Muling bubuksan ng Taiwan ang visa applications mula sa HK at Macau simula Pebrero 20
MAC Deputy Minister Liang Wen-chieh (CNA file photo)

Muling tatanggap ng visa applications ang Taiwan mula sa mga residente ng Hong Kong at Macau para sa mga individual travel simula Pebrero 20. Ipinahayag ito noong Martes ng Mainland Affairs Council (MAC), ang pangunahing China policy making body ng Taiwan.

Ayon kay MAC Deputy Minister Liang Wen-chieh (Liang Wen-chieh), malugod na pumapayag ang Taiwan na ibalik ang serbisyong ito dahil ang Hong Kong at Macau ay may malinaw na patakaran hinggil sa COVID-19 prevention measures.

Dagdag pa ni Liang, tinataya na rin ng kanyang opisina ang kasalukuyang kalagayan ng pandemya sa China bago nito payagang makapasok sa Taiwan ang mga turistang Chinese. Ayon pa kay Liang, nagsimula na ring payagan ng China ang mga outbound travel para sa kanyang mga mamamayan sa 20 bansa nitong buwan ng Enero, subalit hindi kasama sa listahang ito ang Taiwan.

Comments

Latest Newsmore