Kahit na ang programa ng NIA ay nagsimula nuon pang unang araw ng Pebrero. Sila ay tumawag ng Press Conference upang ma-emphasize sa lahat ng tao na nagoverstay ng kanilang mga visas. Ito ay tinawag nilang “Expanded overstayers voluntary departure program”. Inimbitahan ng NIA ang mga representatives ng foreign workers sending countries gaya ng Thailand, Indonesia, Vietnam at Philippines. Isa ako sa mga umatend ng kanilang press conference na ito. Dito binibigyan diin ng NIA ang kanilang patakaranpara sa mga undocumented na narito sa Taiwan. Maganda naman ang kanilang mga offers para sa mga “self report”
Gaya ng reduced penalty of NT$2,000, no detention, and exempted from entry ban.
Kung sila hindi nagsurrender, at sila ay naaresto, sila ay makukulong, ang penalty from 2,000 to 10,000 ntdollars, banned from entering Taiwan for a maximum of 6 years. Posible pa rin na tumaas ang kanilang penalty kung sila ay maaresto.
Ito rin ang mga patakaran sa lahat ng dayuhan at mga citizens ng P.R.C., Hong Kong and Macao. Kaya gusto ng NIA na malaman nila para sila ay magreport ng kanilang mga sarili upang next time na gusto nila dumating ulit dito, pwede pa sila makapasok ng Taiwan as tourist and visitors kung may mga relatives sila dito.
Ang lugar kung saan magreport ang mga migrant workers: Specialized Operation Brigades of NIA.
Yung mga nagoverstay ng less than 90 days ay pwede magreport sa Service Center, the Specialized Operation Brigades or the Border Affairs Brigade of the NIA
Ang mga nagoverstay ng more than 90 days: magreport sa Specialized Operation Brigades of NIA.