Isang mainit na pagtanggap kay OWWA Administrator , si Sir Arnel Ignacio, na kilala na ng marami bilang isang singer celebrity, kasama ang tatlo sa kanilang
Board of Trustees ng OWWA. Pagkatapos niya malibot ang mga ilang lugar sa Taiwan kahit na sa maikling panahon, sya ay totoong namangha sa ganda ng atin daw mga Pilipinong kinalalagyan dito. Sabi nya, maswerte daw ang mga Pinoy dito sa Taiwan. Agree naman ako sa sinabi nya, dahil hindi naman ganuon ang kalagayan ng mga ilan nating kababayan sa ibang bansa gaya ng Middle East. Nakita nya ang ating mga public transportation, public toilets, mga lugar na ating pwedeng pasyalan kaya yun ang mga naging reaction nya sa kaniyang mga nakita.
Tumawag sya ng meeting na kinabibilangan ng Filcom, mga community leaders, MECO Officials at iba pang mga dati nang communities dito sa Taipei. Pagkatapos, ni Sir Arnel ilabas ang kanyang mga paghanga sa Taiwan, isang kakaibang quality naman ang kanyang na-emphasize sa ating mga Pinoy, na well known na raw ang mga pinoy sa pagiging mareklamo, habitual complaint daw ang mga Pinoy all over the globe. Kung kaya’t nakiusap at ipangako daw naming na huwag daw masyadong mareklamo sa trabaho, kasi totoo naman na maganda na talaga ang situation natin dito, syempre kasama na rin na marami din ang tumutulong sa ating mga kababayan dahil sa iba’t-ibang problema. Hindi lang MECO ang mga handang tumulong sa mga problema ng ating mga kababayan, kabilang na rin ang mga ibang simbahan at mga NGO’s. Isa sa mga naging katanungan sa meeting ay ang tungkol sa mga fishermen, OEC at mga iba pa na kasama rin sinagot ni Atty Cesar Chavez, Jr, MECO Director of Migrant Workers-Taipei at Madam Ruth Roselyn Vibar, MECO Deputy Director for Migrant Workers Affairs-Taipei.
Naging masaya naman ang meeting dahil sa ilang humor ni Sir Arnel at sa kanyang pagiging down to earth, na hindi sya namimili ng kakausapin, ang lahat ay kaniyang hinaharap lalo na’t kung may katanungan o kaya problema. Magkasama kaming naghapunan bago magkahiwalay at nagsiuwian.