Ipinahayag ng National Energy Council na inaprobahan na ng Executive Yuan na hindi na kailangan pang maging restricted area at low-density population area ang ikaapat na nuclear power plant bunga na rin ng matagumpay na pag-aalis ng mga agam-agam tungkol sa kaligtasan ng nuclear energy sa lugar. Opisyal na ipinahayag ng New Taipei City Government ngayong araw na inaalis na ang pagiging prohibited area at low-density population area sa ikaapat na nuclear power plant.
Sa pamamagitan ng isang press conference, sinabi ng National Energy Council na iniulat ng Taipower ang nuclear energy safety ng Longmen (Nuclear 4) Power Plant noong 2007 ayon sa Article 4 ng Nuclear Reactor Facility Control Act. Kapag natapos nang gawin ng Energy Council nang may konsultasyon sa mga kaugnay na ahensya at pagsang-ayon ng Executive Yuan ang ilang mga kaugnay na plano, gaya ng mga protection measures para sa mga taong naninirahan sa labas ng pabrika, ito ay ipatutupad na ng New Taipei City Government.
Binigyang-diin ng National Energy Council na napaso na ang construction license ng Taipower para sa ikaapat na nuclear power plant at ang lahat ng nuclear fuel ng planta ay naialis na sa lugar, at ang long-term environmental background radiation monitoring values ng planta ay nasa saklaw na ng natural background radiation fluctuations. Noong ika-27 ng Setyembre, nag-apply na sila sa National Energy Council na tanggalin na ang pagiging restricted area at low-density population area ng nasabing lugar.
Dahil naisaalang-alang at natanggal na ang mga agam-agam hinggil sa kaligtasan ng nuclear energy sa ika-apat na power plant, kinonsulta ng Energy Council, ang Ministry of the Interior, Ministry of Economic Affairs, New Taipei City Government, Gongliao District Office of New Taipei City, at iba pang ahensya at kinumpirma na hindi na kailangan pang mapanatili ang pagiging restricted area at low-density population area nito. Sa ulat ni Chen sa Executive Yuan at sa pag-aproba nito, hiniling niya na ipahayag na ng New Taipei City Government ang pagtatanggal ng restricted area at low-density population area sa ikaapat na nuclear power plant.
Nagpalabas ng pahayag ang New Taipei City Government ngayon hinggil sa “Pagtatanggal ng Prohibited Area at Low-Density Population Area sa Longmen (Nuclear Four) Power Plant.”
Ang reperendum sa muling pagbubukas ng ikaapat na nuclear power plant ay nagtapos sa desisyong “disagree” noong nakaraang taon. Ayon sa plano ng Taipower, ang lugar ng ikaapat na nuclear power plant ay gagawing “comprehensive power park” na may wind power, photovoltaic, ocean energy demonstration units, energy storage at iba pang pasilidad.