Simula noong Miyerkules, ang mga mamimili ng grocery ay makakabili na ng mga imported na itlog mula sa mga supermarkets sa halagang mas mababa sa NT$100. Ang mga imported na itlog mula sa United States at Australia ay naririto upang mabawasan ang mga kakulangan at ang pagtaas ng presyo sa domestic market.
Sabi ng isang supermarket manager, ang Agricultural Council ay tumulong sa mga kakulangan sa pamamagitan ng pag-import ng mga itlog ng Australia at US. Dumadagsa na ngayon ang mga tao sa iba't ibang supermarket para makuha ang mga ito. Bilang tugon, pinangangasiwaan ng mga supermarket ang demand sa pamamagitan ng paglilimitasyon sa dalawang karton bawat tao.
Ayon sa ilang mamimili ng grocery, ang mga presyo ng mga imported na itlog, mula NT$68 hanggang NT$89 bawat karton, ay mas abot-kaya kaysa sa kasalukuyang mga lokal na presyo, at nais nilang bumili ng higit pa hanggat’ kaya.