close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Survey: Mga batang hindi gaanong nakararanas ng academic pressure, kaunting gawain, at maikling tulog

  • 06 April, 2023
  • 汪馬雪莉
Survey: Mga batang hindi gaanong nakararanas ng academic pressure, kaunting gawain, at maikling tulog
Nagpalabas ang Children’s Welfare Alliance ng children’s well-being survey at napatunayang ang life satisfaction ng mga bata ay “moderately happy” na may kitang-kitang phenomena gaya ng kulang na tulog, kulang na gawain, at mataas na antas ng academic pressure. Ipinakikita ng larawan ang sitwasyon ng mga elementary school students sa klase. (Mula sa Tainan City Bureau of Education) (Larawan: Central News Agency)

Noong Abril 4 ay Children’s Day. Nagpalabas ang Children’s Welfare Alliance ng children’s well-being survey at napatunayang ang life satisfaction ng mga bata ay “moderately happy”, subalit ang proporsyon ng subjective life satisfaction na mataas sa 60 puntos ay mababa pa rin kumpara sa world average; kulang sa tulog, kulang na gawain, at mataas na antas ng academic pressure ay kitang-kita.

Ipinalabas ngayon ng Children's Welfare Alliance ang "2023 Child Welfare Survey Report". Ayon sa survey, ang average subjective life satisfaction ng mga batang Taiwanese ngayong taon ay 73.5 na puntos na kabilang sa “moderate happiness” na mas mababa ng kaunti kumpara noong nakaraang taon na 74.0 puntos; ang 79.1% ay may subjective life satisfaction na puntos na mataas sa 60 puntos, na naaayon sa "Healthy Behaviors of School-age Children" ng World Health Organization.

Nakita ng survey na mahigit 20% (26.3%) ng mga bata ay nag-eehersisyo on average ng mababa sa 2 beses sa isang linggo ng mahigit 60 minuto at ang dami ng exercise activity ay mababa; ang average na oras ng pagtulog ng mga bata ay 7.62 oras, na mababa naman sa 8-10 oras kumpara sa international recommended standard.

Bilang karagdagan, 15% ng mga bata ay “nakararamdam ng kalungkutan” at tinatayang 30% (28.4%) ang nakararamdam na “hindi mahalaga kung marami nang kulang sa mundo.

Ayon pa rin sa survey, sa pagmamasid sa interaksyon ng magulang at anak sa pagsasalo sa pagkain, pinakikita ng resulta na 46.2% ng mga bata ay nakakasalo ang pamilya sa pagkain araw-araw na malapit sa 50% ratio ng WHO survey.

Bilang karagdagan, sa pagbabahagi ng kanilang iniisip, 61.5% sa mga bata ang nagsabi na “mas madaling sabihin ang kanilang mga problema sa kanilang mga nanay,” tumaas ng 4.9% na puntos kumpara sa 56.6% noong nakaraang taon, 49.5% sa kanila ang nagsabing “mas madaling sabihin ang kanilang problema sa kanilang mga tatay”, mas mataas ng 4.3% na puntos kumpara sa 45.2% noong 2022. Sa kabila ng mas mababa ito sa international average na 85% at 73%, nakatutuwang malaman na dahil sa epidemic, nagdulot ito ng pagiging malapit ng magulang at anak sa bawat pamilya.

Ipinapakita ng resulta ng survey na mahigit 40% ng mga batang mag-aaral na Taiwanese ang naniniwalang nagdudulot ng stress ang gawaing pampaaralan (44.5%), mas mataas ng 2.9% na puntos kumpara noong 2022 at mas mataas sa HBSC international average na 36%; tinatayang 30% (28.8%) ng mga batang mag-aaral. Nasa 14.4% ng mga mag-aaral ang gustong pumasok sa paaralan na malayo sa HBSC international average na 28.0%

Subalit, binanggit ng UNICEF na mahigit 70% ng batang mag-aaral na Taiwanese ang nakararamdam ng kaligtasan, at natutulungan sa paaralan.

Sinabi pa ni Bai Lifang, ang executive director of the Children's Welfare Alliance, na noong post-epidemic era, parehong mga matatanda at bata ang humaharap sa mga bagong suliranin at pagsubok, at kailangan mag-isip ang lahat kung anong klaseng living arrangements ang makapagbibigay ng kasiyahan para sa mga kabataan.

Comments

Latest Newsmore