close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Dinala na sa hilaga ang mga imported na itlog subalit nananatiling hindi matatag ang suplay nito. Council of Agriculture: Ituloy ang import supplement

  • 06 April, 2023
  • 汪馬雪莉
Dinala na sa hilaga ang mga imported na itlog subalit nananatiling hindi matatag ang suplay nito. Council of Agriculture: Ituloy ang import supplement
Bunga ng hindi matatag na suplay ng itlog sa hilagang ruta, pinahayag ng Council of Agriculture na magpapatuloy ang import replenishment. Ipinakikita ng larawan na nagbebenta na ang Carrefour ng refrigerated eggs na inangkat mula sa Australia. (Larawan: Central News Agency)

Ipinahayag ng Council of Agriculture na 5.5 milyong itlog na ang inangkat simula noong Marso, subalit ang arawang produksyon ng itlog sa loob ng bansa ay nananatiling mababa at ang mga supermarket sa hilaga, ang may pinakamalaking pagkonsumo, ay wala pa ring suplay at hindi alam kung kailan magkakaroon ng suplay nito. Ayon sa COA, ang patuloy na pag-aangkat ang nagpapataas ng suplay.

Bilang pagtugon sa kakulangan ng itlog pagkatapos ng Spring Festival, plano ng Council of Agriculture na mag-angkat ng mahigit 30 milyong itlog bawat buwan sa Abril at Mayo. Tinalakay din ito sa publiko na baka masyadong maraming iaangkat at nabigyan naman ito ng clear status.

Sa kabila ng pahayag ng mga tao sa gitna at katimugang rehiyon na hindi nila ramdam ang kakulangan ng itlog. Ngayong weekend, sa pagdiriwang ng Qingming holiday at noong Martes, makikita na ang mga sariwang itlog sa Carrefour community supermarket sa Beishi ay nabili nang lahat at natira na lamang dito ang mga processed brand preserved eggs. Maging ang Dongfu eggs na may mas mataas na presyo ay sold out na rin. Ayon sa mga tauhan ng tindahan, hindi nila alam kung kailan muling darating ang suplay ng itlog, magdedeliver ang mga manufacturer kung available na ang stock kaya’t balewala rin ang magpareserba.

Samantala, sold out na rin ngayong umaga ang mga sariwang itlog sa Quanlian Supermarket at inaasahang magkakaroon ng stocks bukas (ika-5). Ang pinakamurang itlog na mabibili ay mga imported na itlog na nasa NT$68 bawat isang kahon na may 10 pirasong laman.

Ipinahayag ngayon ni Changjiang Wenquan, ang deputy director of the Animal Husbandry Department of the Council of Agriculture, na nasa 5.5 milyong itlog ang inangkat na nitong buwan ng Marso at lahat ng suplay nito ay nasa pamilihan na. Umaasa siyang mapupunuan nito ang mga kailangan ng mga mamimili. Maging ang hilagang bahagi na laging kulang ang suplay ng itlog ay patuloy na mag-aangkat upang mapunuan ang suplay.

Bilang karagdagan sa pag-aangkat ng itlog, patuloy namang bumababa ang produkyon ng lokal na itlog kahit na kaaya-aya na ang panahon. Ayon sa impormasyong ipinalabas ng official website ng Council of Agriculture noong ika-4 ng Marso, mayroon lamang 31.16 milyong laying hens bawat araw na may arawang produkyon na 111,500 kahon ( 200 itlog bawat kahon) at 22.3 milyong itlog. Kumpara sa arawang demand na 120,000 kahon at 24 na milyong piraso, mayroon pa ring kakulangang 1.7 milyong piraso.

Binigyang-diin ni Jiang Wenquan na ang bahagyang pagbaba sa produksyon ay may kaugnayan sa pagbaba ng temperatura ng panahon. Kapag lumabas na ang kumpletong impormasyon, malalaman na kung nakabawi na sa produksyon.

Ayon pa kay Jiang Wenquan, sa larangan ng kabuoang produksyon at benta, inaasahan pa rin sa Mayo at Hunyo babalik malapit sa arawang demand na 120,000 kahon ang lokal na produksyon ng itlog. Bunga nito, plano pa rin ng Council of Agriculture na mag-angkat ng 3,000 kahon bawat buwan sa Abril at Mayo o mahigit na 10,000 piraso.

Comments

Latest Newsmore