Nagbibigay ng subsidiya na NT$15,000 bawat buwan ang Hóng Hǎi Group bilang childcare allowance sa mga empleyadong ang edad ay “0 to 6 years old” at wala itong limit sa bilang ng anak. Ito ay kinaiinggitan ng ibang mga manggagawa, subalit ano nga ba ang pananaw ng ilang ordinaryong kumpanya tungkol sa labor childbirth? Ayon sa isang survey na pinalabas ng Job Bank, halos 80% ng mga kumpanya ang nagsusulong ng pagbubuntis at 37% ang nagbibigay suporta sa paid care leave. Subalit, kung ang mga empleyado ay gumagamit ng parental leave ng kalahating taon, 30% ng mga kumpanya ang hayagang nagsabi na hindi nila papayagang makabalik ang mga empleyado sa kanilang mga dating posisyon.
Ang job search website na Yes123 ay nangulekta ng 1,366 na miyembro at 975 na mga wastong katanungan mula sa mga kumpanya at nagpalabas ng survey kung saan 93% ng mga office workers ay nag-iisip na gumamit ng kalahating taong parental leave matapos na magkaanak at 70% sa kanila ay salitan sa paggamit ng leave bilang “ina at ama”. Kung ang mga manggagawa ay gagamit ng parental leave, 67.3% sa kanila ang naniniwalang hindi na kukuha ng karagdagang tao ang kumpanya kundi dadagdagan na lamang ang kanilang trabaho.
Pinakikita rin ng survey na pagkatapos ng kalahating taon ng parental leave, 43.9% ng mga manggagawa ang sumagot na nakabalik sila muli sa kanilang trabaho sa kumpanya pero sila ay malilipat; ilan sa mga posisyong napalitan ay ang "administration and personnel", "secretary assistant", "Production Operations and Manufacturing", "Security and Safety Management".
Para sa mga kumpanya, 80% sa mga ito ang nagsusulong ng pagbubuntis, 32.7% sa mga kumpanya ang handang magbigay ng mas mataas na sweldo, at 37% ay suportado ang paid care leave. Mali ang impormasyong nagsasabi na hindi na nila papayagang makabalik ang mga manggagawa sa dati nilang posisyon at 60% ng mga kumpanya ang nagsabing hindi na sila magdadagdag ng mga manggagawa kundi ipapagawa na lamang ang trabaho sa kapwa manggagawa sa kumpanya.
Binigyang-diin ni Yang Zongbin, ang spokesperson ng Yes123 job search website na ang mga magulang sa trabaho ay palaging nag-aatubili at nababagabag na gamitin ang parental leave. Sa isang banda, nag-aalala sila sa karagdagang trabahong ibibigay sa kanilang mga ka-trabaho, at sa kabilang banda, takot silang mapalitan ng ibang tao sa kanilang trabaho. Ayon sa kanya: “Pagkatapos na magkaanak, kahit na ito’y itinuturing na magandang biyaya, mas inaalala ng mga working parents ang tungkol sa workplace pressure, business hours, at kung ito’y magdudulot ng hindi balanseng sitwasyon sa kanilang buhay at karera, at magkakaepekto sa relasyon sa pagitan ng anak at magulang.”
Tinukoy din ni Yang Zongbin na ang mahigpit na kumpetisyon sa trabaho, high work pressure, at mahabang oras ng trabaho ay makakaapekto sa mga manggagawa na pumayag na magkaroon at magpalaki ng mga anak. Nagbigay siya ng mga suhestyon na dapat magbigay ang mga kumpanya ng mga benepisyong gaya ng flexible working hours, extended maternity o paternity leave, increase maternity leave na may full pay, Maternity inspection leave, paid care leave, o ang kakayahang dalhin ang mga anak sa lugar ng trabaho para makalikha ng mas masayang pagtatrabaho.