close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Kartini Day at Eid al-Fitr

  • 25 April, 2023
  • 何薇薇
Kartini Day at Eid al-Fitr
Rti’s Indonesian Service with fans at the Taipei Main Station (Photo: Rti)

Ang Radio Taiwan International (Rti), ang Indonesian Economic and Trade Office to Taipei, at Taiwan Foreigners Service and Care Association ay magkatuwang na nagdaos ng isang maligaya na pagdiriwang ng Kartini Day at Eid al-Fitr sa Taipei Main Station noong Linggo. Kasama sa pagdiriwang ang mga pagtatanghal ng pag-awit at pagsasayaw na nagbibigay pugay sa aktibistang pantay na karapatan ng Indonesia na si Raden Ayu Kartini.

Ang pangulo ng Rti na si Cheryl Lai (賴秀如)) ay nagsabi na ang kaganapan ay ang unang malakihang meet-and-greet na idinaos ng Rti mula noong simula ng pandemya ng COVID-19, at lalo siyang nagpapasalamat sa mga tagapakinig ng Serbisyong Indonesian ng Rti na sumuporta sa radyo para sa Ang Serbisyong Indonesian ng Rti na nagbo-broadcast mula pa noong 1957, na nagbibigay sa mga komunidad ng Indonesia ng Taiwan ng impormasyon at libangan.

Inanunsyo din ni Lai na sa katapusan ng Mayo, magdaragdag ang Rti ng 5 pang serbisyo na ibobroadcasr sa wikang Indonesian.  Magsasagawa rin ang Rti ng meet-and-greet sa Indonesia sa Hunyo. Kaya dagdag ni Lai na ito ay ibalita sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan na siya ay darating sa araw na iyoin

Dumalo rin sa pagdiriwang ang National Human Rights Commission Chairperson na si Chen Chu (陳菊). Pinasalamatan ni Chen ang mga migranteng manggagawa, lalo na ang mga babaeng manggagawa, para sa kanilang mga serbisyo at sa pagpapagaan ng kakulangan sa paggawa ng Taiwan. "Para sa akin, lahat kayo ay Kartini," sabi ni Chen. "Hinahangaan ko ang iyong pagsusumikap, pagtitiis, at katapangan. Salamat sa iyong serbisyo at kontribusyon."  Kasama sa mga honorary guest si Mrs. Mella Mutia Iqbal ng Indonesian Economic and Trade Office at Taiwan Foreigners Service and Care Association Chairperson Chou Lin-jie (周麟杰).

Ang Indonesian fan club ng Rti ay nagsagawa rin ng meet-and-greet kasunod ng pagdiriwang, kung saan libu-libong tao ang lumahok sa buong araw.  Totoong napakasaya ng araw ba iyon, kasama na rin ang pagpapakain nila ng dessert na special na ginawa ng mga Indonesian.

Comments

Latest Newsmore