Nuong Linggo ((April 23, 2023) magkasamang ipinagdiwang ng Rti, Indonesian Economic and Trade Office in Taipei at Taipei Service and Care Association ang napakahalagang araw ng EID-AL-FITR sa Taipei Main Station na dinaluhan ng libo-libong Indonesians, mga Muslim at kasama din ang mga non-Muslim at kanilang mga kaibigan.
Itong susunod na Linggo (April 30, 2023) nagsagawa din ng malaking event ang Tourism Office ng Manila Economic and Cultural Office na pinangungunahan ni Director Hazel Javier para ilunsad ang kanilang project na tinatawag nilang Bisita! Be my Guest na ginanap sa Taipei Expo Park. Ito ay isang paraan para maanyaya ang mga taga Taiwan na bumisita sa Pilipinas upang maipakita nila kung ano meron duon sa Pilipinas na maaring magustuhan ng mga Taiwanese, tulad ng mga tourist attractions, kakaibang mga pagkain na sinisisiguro ng mga Pilipino na magugustuhan ng mga Taiwanese. Kasi sa dami ng mga Pilipino na na andito sa Taiwan ng maraming taon, alam na n g marami kung ano talaga ang maaring magustuhan ng mga Taiwanese.
Nagpatikim din ang event ng iba’t ibang klaseng lutuin ng pagkain buhat sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas kung kaya sila ay naglagay ng mga food booths at tuloy maipakita sa mga bisita ang ilang kultura ng bawat probinsya o city sa Pilipinas.
Naganyaya din ang Tourism Office ng isang magandang banda para ma-entertain ang mga bisita. Hindi lang magisa itong idinaos ng Tourism Office, nakipartner din ang mga ilang sponsors tulad ng SM MEGAWORLD, Philippine Airlines, Cebu Pacific, China Airlines, Eva Air, Starlux, AirAsia & Rustans. Marami din ang mga natuwa dahil ang mga airline sponsors ay namigay ng mga free airfares sa nga raffle draws. Kung kaya walang kasing ligaya din ang mga sumali sa event na ito: BISITA, BE MY GUEST. Ang lahat ay inaanyayahan subukan ang bumisita sa Pilipinas at sigurado ang lahat ay masisiyahan at babalik-balikan ang kanilang nakita at nadama sa kalapit na bayang Pilipinas!