close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Consumer Protection Officer: Costco's Berry Explosion Hepatitis A Virus Class Actions Hindi Isinasaisantabi

  • 11 May, 2023
  • 汪馬雪莉
Consumer Protection Officer: Costco's Berry Explosion Hepatitis A Virus Class Actions Hindi Isinasaisantabi
Nagsagawa ng isang press conference ang Democratic Progressive Party legislators Zhong Jiabin, Chen Jingmin, and Chen Peiyu na may pamagat na “Pagbebenta ng liver berries! Sino ang titingin ng kalusugan ng mga mamimili? Tatanggapin ba ng Food and Drug Administration ang pinsalang idudulot nito sa publiko?” (Larawan mula kay Zhao Wanchun)

Nagdulot ng kontrobersya ang sariling brand ng comprehensive berries ng Costco na sinasabing may hepatitis A virus. Nagsagawa ng press conference sina DPP legislator Zhong Jiabin at iba pa na nag-uudyok na dapat magpasimula ng imbestigasyon at tulungan ang publiko sa paghingi ng kabayaran ang Consumer Protection Association ng Executive Yuan. Bunga nito, binigyang-diin ni Lin Jinfu, deputy director of the Food and Drug Administration na kung mapapatunayang lumabag ang nasabing industriya sa food safety law, magmumulta ito ng itinakdang halagang NT$60,000 to NT$200 milyon. Hindi isinasaisantabi ang pagpa-file ng isang class action lawsuit.

Ipinahayag ng United States noong March 17 ng kasalukuyang taon na boluntaryong binawi ng industriya ang ilang brands ng frozen organic strawberry and fruit products na nakontamina ng liver A. Agad na ipinahayag ng Food and Drug Administration noong March 19 na ang mga nasabi at katulad na produkto ay hindi naiangkat sa Taiwan, kasabay nito ang paglulunsad ng mga kontrol sa mga border at pamilihan. Nadiskubre din sa pamamagitan ng inspection measures na ang sariling brand ng Costco na Kirkland complex berries ay may hepatitis A virus. Bagaman may 367 kilograms ng mga produkto ang naialis na sa mga pamilihan, niresiklo, o kaya’y sinira, may 17,000 kilogram ng hepatitis A virus berries na ang naibenta.

Nagsagawa ng press conference sina Democratic Progressive Party legislators Zhong Jiabin, Chen Jingmin, and Chen Peiyu, kung saan kinekuwestiyon nila kung nabigo ang Food and Drug Administration na agapang alisin sa pamilihan ang mga produkto matapos matanggap ang pabatid at kung hindi ito agad nagsagawa ng inspeksyon sa kumpanya. Sinabi rin nila na kailangang tulungan ng Food and Drug Administration at ng Customs Administration ang publiko sa pagsasagawa ng mga health checks, at nag-uudyok na dapat magpasimula ng imbestigasyon at tulungan ang publiko sa paghingi ng kabayaran ang Consumer Protection Association ng Executive Yuan. Sa orihinal na boses ni Zhng Jiabin: 17,000 kilograms ng liver A berries na iniangkat mula sa kumpanya noong Enero ang naibenta at kakaunting kilogram lang nito ang naialis na sa pamilihan. Kung ganito karami ang nakapasok sa pamilihan, hindi ba magtatalaga ng multa ang Food and Drug Administration?

Bunga nito, binigyang-diin ni Lin Jinfu, deputy director of the Food and Drug Administration, na matapos matanggap ang international warning na pinalabas ng United States, nakumpirma naman ng Food and Drug Administration na ang nasabing mga berries ay hindi naiangkat sa Taiwan. Kasabay nito, nag-check na sila sa mga pamilihan, pinalakas ang mga border inspections, at pinalawak ang mga inspections ng mga imports papasok ng Taiwan. Ang mga berries mula sa ibang bansa, sa kasalukuyan, kailangang mag-inspeksyon ang Costco ng mga ito.

Sa pagpapataw ng multa sa Costco, sinabi ni Lin Jinfu na nabigyan na ng kautusan ang Kaohsiung City Health Bureau na magsagawa ng kaugnay na imbestigasyon. Kung may nakitang paglabag sa food safety law, maaaring magpataw ng multang NT$60,000 to NT$200 million. Ayon kay Lin Jinfu sa kanyang orihinal na boses: Sa kasalukuyan, halos pareho ang pagkolekta ng ebidensya, at ang paraan ng pagpapakita ng mga opinion ay isinasagawa na. Maaaring magpataw ng multa ang Food Safety Law, (ang halaga ng multa ay) 60,000 hanggang 200,000,000 yuan at ang parusa ay mapapalala ayon sa halaga ng kapital at paglabag.

Ayon naman sa follow-up claim, sinabi ni Wang Deming, ang consumer protection officer ng Consumer Protection Association ng Executive Yuan, na aalamin niya ang lahat ng mga follow-up plan at pagtugon sa sitwasyon ng Costco. Sasabihan din niya na tulungan ng Food and Drug Administration ang Food Safety Fund. Ayon kay Wang Deming sa kanyang orihinal na boses: Sa resulta ng paghawak sa kaso, kung talagang kailangan, hindi naming isinasaisantabi ang pagpa-file ng group lawsuit. Nakipag-ugnayan ako sa Taipei Consumers Foundation at Kaohsiung Taiwan Consumer Protection Association at sila’y sumang-ayon dahil sangkot dito ang physical safety at injuries ng mga mamimili.

Bilang tugon sa proposal ng Green Committee kung saan sinasabi nilang dapat magkaroon ng sariling inspection centers ang mga hypermarkets o distributors para masiguro ang consumer’s food safety, ayon kay Lin Jinfu, sinasabi ng mga patakaran na ang mga food companies na nakalista sa OTC ay dapat na magtayo ng mga inspection rooms, subalit kahit na hindi nakalista sa Counter companies ang Costco, dapat silang magsagawa ng regular na self-management at inspeksyon ng mga pagkaing nasa shelves, lalung-lalo na ang mga high-risk berries. Kung mabibigo ang inspeksyon, hindi sila dapat maglagay nito sa mga shelves.
 

Comments

Latest Newsmore