Ang ika-76 na World Health Assembly (WHA) ay nakatakdang ganapin sa Geneva Switzerland mula sa ika-21 hanggang ika-30. Ayon sa Ministry of Foreign Affairs, ang mga relevant proposals ay kasalukuyan nang ginagawa at sila’y magpapatuloy na makipag-ugnayan sa mga kakampi at mga bansang may kaparehong ideya upang makabuo ng pinakamalaking consensus. Support momentum at pagsisikap na makakuha ng pandaigdigang suporta bilang basehan para sa support method sa kumperensya, ang nilalaman ng pakikipag-usap sa akin, at ang local activity plan ng WHO Action Group sa panahong iyon ay ipapaliwanag sa publiko sa tamang oras.
Tungkol naman sa pagsisikap na makibahagi sa World Health Assembly, sinabi ng Ministry of Foreign Affairs na ang mga gawaing may kinalaman sa proposal ay nagsimula na. Sinabi rin ni Foreign Minister Wu Zhaoxie sa Legislative Yuan nitong nakalipas na mga araw na ang suporta ng internasyunal na komunidad para sa Taiwan ay mas lalong lumalakas, at magpapatuloy na magsisikap ang pamahalaan na mapanitili ito hanggang sa huli.
Binigyang-diin din ng Ministry of Foreign Affairs na hindi alintana kung sila’y imbitado upang lumahok ngayong taon o hindi, mag-oorganisa ang pamahalaan ng WHO mission sa Geneva upang ipahayag ang determinasyon ng bansang makilahok at magsagawa ng mga professional exchanges sa mga health officials mula sa iba’t ibang delegasyon. Ayon kay Foreign Ministry spokesman Liu Yongjian: “Maninindigan ang Ministry of Foreign Affairs ng pare-pareho, positibo, at masinop na disposisyon at makikipagtulungan sa Ministry of Health and Welfare upang maisulong ang pagdalo sa World Health Assembly bilang isang observer.”
Isang internasyunal na publicity ang pagsusulong ng mga kaso bilang bahagi ng trabaho. Naglabas ng isang maiksing video ang Ministry of Foreign Affairs na may pamagat na "THE DOCTOR IS IN", na nagpapakita na ang mga medical operations ng Taiwan ay laganap na sa mga lugar sa mundo kung saan ito higit na kailangan, at sila ay nakatuon sa pagpapaunlad ng magandang imahe ng kalusugan ng tao sa buong mundo. Ilan sa mga ito ay ang pagpunta ng medical aid ng Taiwan sa Ukrainian Children’s Heart Hospital at iba pang mga institusyong medikal upang iligtas ang buhay ng mga kabataan. Ang International Medical and Health Personnel Training Center ng Taiwan ay nagbibigay ng mga training courses para sa international medical professionals at medical missions na pupunta sa Eswatini at iba pang rehiyon sa Africa na may layuning mapabuti ang kalagayang pangkalusugan ng mga sanggol at mga ina, kasama din ang national health insurance system ng Taiwan, nagpalabas ng ulat ang Numbeo, isang global database website ng health care index, kung saan nanguna ang bansa sa 4 na magkakasunod na taon.
Umaasa ang Ministry of Foreign Affairs na mananawagan sila sa WHO upang makita ang kontribusyon ng Taiwan, tanggapin ang partisipasyon ng Taiwan, at magkasamang matamo ang layunin ng organisasyon upang makamit ang pinakamataas na antas ng kalusugan ng tao at mapabuti ang health system ng mundo.