close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Iskolar nanawagan sa pag-amyenda ng batas upang maprotektahan ang pambansang seguridad

  • 21 May, 2023
  • 汪馬雪莉
Iskolar nanawagan sa pag-amyenda ng batas upang maprotektahan ang pambansang seguridad
Dumalo sa public hearing ng kaso ng communist espionage si Su Ziyun, direktor ng National Defense Strategy and Resources Research Institute ng National Defense Security Research Institute. Iminungkahi niya ang pagpapalakas ng depensang demokratiko at pag-isipan ang panunumbalik ng mga military trials. (Larawan mula kay Lin Yongqing)

Nitong mga nakaraang taon, marami nang mga nasintensyahang magagaang na kasong may kinalaman sa communist espionage na nakatawag-pansin hinggil sa pambansang seguridad. Ilang mambabatas mula sa Democratic Progressive Party ang nagsagawa ng public hearing upang talakayin kung kailangang amyendahan ang batas. Ang mga iskolar na lumahok ay nagbigay-diin na ang karaniwang sintensya para sa espionage sa ibang demokratikong bansang gaya ng Italy, United Kingdom, at United States ay nasa 19 na taon, dito lamang sa Taiwan ang may 18 buwang sintensya. Bilang karagdagan, dahil hindi kinikilalang isang bansa ng mainland ang ating bansa, ang mga espiyang Chinese ay hindi kagaya ng mga dayuhang espiya, at ang pinakamabigat na sintensiyang kamatayan ay dapat na muling pag-aralan.

Nagsagawa ng public hearing ang Democratic Progressive Party legislators na sina Luo Zhizheng, Liu Chaohao, Cai Yiyu, Zhuang Ruixiong, at Wang Meihui tungkol sa Repeated Light Sentences in Communist Espionage Cases and How to Improve National Security" sa Legislative Yuan. Binigyang-diin ni Su Ziyun, direktor ng National Defense Strategy and Resources Research Institute ng National Defense Security Research Institute sa isang panayam na ang parusa sa espionage sa Taiwan ay mas magaan kumpara sa ibang demokratikong bansa, may 12.7 na beses na kaibahan. Mas maluwang ang parusang kamatayan, na may maximum na 12 taong pagkakakulong. Sa pagharap ng Taiwan sa banta ng China, higit na kailangan na kumprehensibong pag-aralan ng bansa ang mga batas tungkol sa pambansang seguridad. Ayon sa kanya “Baka dapat baguhin ng Taiwan ang batas sa darating na hinaharap. Kagaya ng ating espionage crime, ang sintensya ay iba para sa mga dayuhan at para sa mga mainlanders. Ayon sa “Criminal Law” maaaring sintensiyahan ng parusang kamatayan ang mga dayuhang espiya, subalit ang mga espiya mula sa mainland ay hindi kinikilala ng estado at ayon sa “National Security Law”, maaari lamang itong abutin ng 12 taon.”

Nagbigay pa ng karagdagang suhestiyon si Su Ziyun na upang mapalakas ang counter-intelligence, kailangan munang palakasin ang “democratic defense” at pagbutihin ang kamalayang demokratiko ng mga civil servants; pangalawa, mahalagang pabilisin ang pagbubuklod ng mga opinyon at pagbabago sa korte upang maiwasan ang mga hindi-makatuwirang sitwasyon ng pagbibigay ng magkakaibang parusa sa iisang uri lamang ng krimen, pangatlo, maaaring isaalang-alang ang panunumbalik ng military review at palakasin ang command power.

Iniulat ni Cai Bizhong, deputy minister of the Ministry of Justice na sa kasalukuyan, at bilang pagtugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad, ang Criminal Law, National Security Law, National Secret Intelligence Law, National Intelligence Work Law, at Anti-Infiltration Law ay binabago na, kasama na rito ang tungkol sa pagdaragdag ng mga uri ng krimen, pagsali sa Internet space sa sakop ng pambansang seguridad, at ang mainland, Hong Kong, Macao, at ang mga foreign forces ay kasama na rin sa dangerous crime norms. Sa hinaharap, magpapatuloy tayong palawigin ang kakayahang mapanatili ang pambansang seguridad, magsagawa ng mga specialized training sa paghawak ng mga kasong may kinalaman sa pambansang seguridad, at mapahusay ang pagiimbestiga at paghawak ng mga krimeng may kinalaman sa pambansang seguridad.

Comments

Latest Newsmore