close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pangulo: Ang mga Taiwanese ay puno ng mga makabago at mapanlikhang enerhiya upang tumugon sa iba’t ibang pagsubok

  • 21 May, 2023
  • 汪馬雪莉
Pangulo: Ang mga Taiwanese ay puno ng mga makabago at mapanlikhang enerhiya upang tumugon sa iba’t ibang pagsubok
Tinanggap ni Pangulong Tsai Ing-wen (front right) ang "2022 18th International Outstanding Inventor Award Winners" sa Presidential Palance, pinasalamatan niya ang lahat ng mga nanalo para sa kanilang pamumuhunan sa pananaliksik at pagdala sa Taiw an tungo sa kaunlaran. (Larawan: Central News Agency)

Tinanggap ni Pangulong Tsai Ing-wen ang mga nanalo sa 2022 18th International Outstanding Inventor Award". Ayon sa pangulo, sa taunang ulat tungkol sa world competitiveness na inilathala ng Lausanne Institute of Management (IMD) noong nakaraang taon, sa “per thousand people” ng Taiwan, ang index ng R&D manpower ang nangunguna sa buong mundo, at ang mga mamamayan ay puno ng makabagong pananaliksik at enerhiyang mapanlikha na siyang tutulong sa Taiwan upang harapin ang iba’t ibang pagsubok sa napakabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomiya ng mundo, malagpasan ang status quo, at isulong ang paglago ng industriya.

Sa panayam, binanggit ni Pangulong Tsai Ing-wen sa kanyang talumpati na ang "International Outstanding Inventor Award" ay ginanap na ng 18 beses at ito ay nakilala na sa mundo mula sa Taiwan, kung kaya’t nasaksihan na ng mundo ang iba’t ibang pagbabago at R&D capabilities ng Taiwan.

Binigyang-diin ng pangulo na ayon sa World Competitiveness Annual Report na inilabas ng Lausanne Institute of Management (IMD) noong nakaraang taon, nanguna ang Taiwan sa buong mundo sa larangan ng “R&D capabilities” sa bawat 1000 tao. Ipinakikita nito ang malagong “R&D capabilities” na kilala sa buong mundo. Naging pagsubok ang epidemya. Ngayong ibinaba na ang epidemic prevention, magpapatuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa industrial upgrading at ipaglaban ng sama-sama ang ekonomiya. Ayon sa Pangulo “Ang kasalukuyang kalagayan ng pulitika at ekonomiya ay mabilis na nagbabago. Ang mga mamamayan ng Taiwan ay puno ng enerhiya para sa makabagong pananaliksik at imbensyon, na siyang tutulong sa atin upang harapin ang anumang pagsubok, at upang malagpasan ang status quo at maisulong ang paglago ng mga industriya.”

Binanggit pa ng pangulo na ang mga pananaliksik ng mga nanalo ay naaayon sa mga trend sa mundo, kasama sa pamumuhunan dito ay tungkol sa artificial intelligence, biomedicine, chemical engineering, health care, at iba pa na hindi lamang malapit ang kaugnayan sa "six core strategic industries" na isinusulong ng pamahalaan kundi sa pamamagitan din ng mga domestic at foreign patents, mabibigyan nito ang Taiwan ng pagkakataong manguna sa paglilinang sa mga larangang ito at pagbutihin ang pagiging kumpetitibo ng mga industriya ng Taiwan.

Partikular ding binanggit ng pangulo na ang magkapatid na sina Wang Hongjing at Wang Hongfu na nanalo sa 2022 International Outstanding Young Inventor Award ay magkasamang nakagawa ng mga low-carbon at portable sports equipment; si Ou Chengwen na nasa ika-5 baitang pa lamang ng elementarya ay nakatuon sa carbon reduction at green energy innovations. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga nanalo sa kanilang pamumuhunan sa pananaliksik, na naging daan tungo sa kaunlaran ng Taiwan. Hinimok din niya ang mga imbentor na ipakita ang kanilang mga talento sa iba’t ibang internasyunal na kumpetisyon ngayong taon at dalhin ang karangalang ito pabalik sa Taiwan.

Comments

Latest Newsmore