close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Sinabi ng Ministry of Labor sa accident ngyari sa Taichung MRT, ang Tower Crane Dismantling ay Hindi Nakasunod sa SOP

  • 22 May, 2023
  • 何薇薇
Sinabi ng Ministry of Labor sa accident ngyari sa Taichung MRT, ang Tower Crane Dismantling ay Hindi Nakasunod sa SOP
Sinabi ng Ministry of Labor sa accident ngyari sa Taichung MRT, ang Tower Crane Dismantling ay Hindi Nakasunod sa SOP
Isang malaking aksidente ang naganap sa Xingfufa Taichung construction site noong nakaraang linggo nang mahulog ang tower crane at bumagsak sa Taichung MRT. Sinabi ni Li Junyu, Political Deputy Minister ng Ministry of Labor, ngayong araw (ika-18 ng Mayo) na ang aksidente ay dahil hindi sumusunod ang operator sa pamantayan operating procedures or (SOP), sa susunod na buwan, makukumpleto ang inspeksyon ng proyekto para sa construction site na may tower crane, at ang 30 construction projects na itinatayo ng Xingfufa Company ay ililista at pamamahalaan.
 
Sa isang construction site sa Wenxin South Road, Nantun District, Taichung City, nang ang isang fixed crane (tower crane) ay binabaklas noong nakaraang linggo, ang boom ay aksidenteng nahulog at tumama sa Taichung MRT train, na nagdulot ng pinsala sa cars at pagkamatay ng 1 pasahero at 10 pasahero naman ang nasaktan.  Ito ay mga pangunahing insidente sa seguridad ng publiko kung saan nasugatan ang mga tao.
 
Noong ika-18, si Li Junyu, Political Deputy Minister ng Ministry of Labor, ay dumalo sa Legislative Yuan Sanitation Committee para sagutin ang mga tanong. Sinabi niya na ang mga tower crane na kasalukuyang nag-iimbestiga sa aksidente ay sumusunod sa mga regulasyon at walang mga problema. Ang pangunahing  dahilan ay ang operation ay hindi  sumusunod sa standard operating procedure (SOP).. Para naman sa kumpanyang Xingfufa na naging sanhi ng sakuna, mayroong 5 subsidiary at 30 construction projects na ginagawa, at matatapos ang project inspection sa loob ng 2 linggo.
 
Ang mambabatas na si Lai Huiyuan ng DPP ay nagtanong na ang Hing Fu Fat ay bahagyang isinara ng 56 na beses sa loob ng 5 taon, ngunit naganap pa rin ang malalaking aksidente sa kaligtasan sa industriya. Ano ang nangyari? Tapat na sinabi ni Li Junyu na ayon sa 56 labor inspection ng Xingfufa, ipinapakita nito na hindi gaanong binibigyang pansin ng kultura ng kumpanya sa lugar ng trabaho ang kaligtasan sa paggawa. Sinabi niya: "(Original sound) Ang pinaka-halata dito ay hindi gaanong binibigyang pansin ng buong kumpanya ang kultura sa lugar ng trabaho, at maraming tao ang hindi sumusunod sa mga hakbang, na nagreresulta sa mga paglabag at pagmultahin. 』

Comments

Latest Newsmore