close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Panahon na ng mga Grade 9 ang paghanap ng trabaho sa mga industria sa hospitality, teknolohiya at pananalapi

  • 29 May, 2023
  • 何薇薇
Panahon na ng mga Grade 9 ang paghanap ng trabaho sa mga industria sa hospitality, teknolohiya at pananalapi
(Photo-Pixabay)
Papasok na ang graduation season, at sa taong ito at ang unang batch ng "ninth graders" ay nasasabik  makapasok ng trabaho.  Ayon sa survey na inilabas ng Job Bank  nuong (ika-26 ng Mayo), ang nangungunang tatlong industriya na gustong pasukan ng mga bagong dating ay karamihan sa catering at turismo, teknolohiya at impormasyon,  pananalapi at industriya ng seguro. Kabilang sa mga pinapangarap na trabaho, ng mga lalaki ay maging mga YouTubers, habang ang mga babae ay gustong maging mga manunulat.
 
Para sa unang trabaho, ang pinakagustong pasukin ng karamihan sa mga freshmen sa industriya ay  ang nangungunang tatlo: ang "catering, accommodation at leisure travel", "industriya ng teknolohiya at impormasyon", at "mga istatistika ng pananalapi, insurance at accounting" . Sa mga tuntunin ng inaasahang suweldo, ang average ay NT$32,030,  mataas ng NT$333 o 1.1% kumpara noong nakaraang taon at  ito na rin ang pinaka mataas sa loob ng 10 taon.
 
Nang tanungin sila tungkol sa kanilang mga pinapangarap na trabaho, ang nangungunang tatlong trabaho sa mga lalaking nagtapos ay ang YouTuber, engineer, at e-sports player, habang ang  mga kababaihan ay gusto maging mga manunulat, lingkod sibil, at mga editor ng website ang nangungunang tatlo.

Comments

Latest Newsmore