close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Vatican: Hindi nakatanggap ng bisita si Pope Francis dahil sa may lagnat noong ika-26 ng Mayo

  • 30 May, 2023
  • 何薇薇
Vatican: Hindi nakatanggap ng bisita si Pope Francis dahil sa may lagnat noong ika-26 ng Mayo
Vatican- Hindi nakatanggap ng bisita si Pope Francis dahil sa may lagnat noong ika-26 ng Mayo
Sinabi ng Vatican nuon  (ika-26 ng Mayo) na walang natanggap na bisita si Pope Francis dahil sa lagnat.
 
Ang tagapagsalita ng Vatican na si Matteo Bruni ay hindi nagbigay ng karagdagang detalye sa kalusugan ng 86-taong-gulang na papa.
 
Nang tanungin ng mga mamamahayag kung bakit walang kasama sa listahan ng pang-araw-araw na bisita ng papa kaninang araw, sumagot si Bruni: "Walang nakita (kahit sino) si Pope Francis kaninang umaga dahil sa lagnat."
 
Ang papa ay gumugol ng limang araw sa isang ospital sa Roma na may bronchitis nuong katapusan ng Marso at binigyan ng antibiotic infusion, mabilis na gumaling at bumalik sa trabaho, kabilang ang isang tatlong araw na paglalakbay sa Hungary nuong katapusan ng Abril.
 
Nang makipagpulong ang Papa sa mga estudyante malapit sa Vatican noong ika-25 ng Mayo ng hapon, medyo pagod na siya.  Si Francis, na naging papa isang dekada na ang nakalilipas, ay tinanggal ang bahagi ng kanyang baga noong siya ay nagsasanay pa bilang pari sa Argentina, sa kanyang kalagitnaan ng 20 taon.
Gayunpaman, wala sa mga nakatakdang aktibidad ng Papa ang nakansela. Siya ang mamumuno sa Pentecost Mass sa St. Peters Square sa ika-28 ng Mayo.  Hindi malinaw kung ang Papa ay magsasaayos na makita ang ilang pribadong madla sa ika-27 ng Mayo.
 

Comments

Latest Newsmore