close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pandaigdigang presyo ng langis tumataas, Taiwan apektado!

  • 01 June, 2023
  • 汪馬雪莉
Pandaigdigang presyo ng langis tumataas, Taiwan apektado!
Pandaigdigang presyo ng langis, tumataas, presyo ng gasoline at diesel tumataas at bumababa ng 0.3 yuan. Inanunsyo ng Chinese Petroleum Corporation, ang presyo ng lokal na gasoline ay tataas ng NT$3 at ang presyo ng diesel naman ay bababa ng NT$3. (Larawan/Central News Agency)

Apektado ng mga salik gaya ng pagpasok ng U.S. sa peak season ng pagmamaneho ngayong tag-init at hindi pa nanunumbalik ang oil shipments ng mga oil fields ng northern Iraq papuntang Turkey, tumaas ang pandaigdigang presyo ng langis. Inanunsyo ng CPC ng Taiwan na ang lokal na gasoline ay tataas ng NT$30. Bababa ang diesel ng tatlong puntos.

Ang adjusted reference retail prices ay 28.9 yuan bawat litro sa 92 unleaded gasoline, 30.4 yuan bawat litro sa 95 unleaded gasoline, 32.4 yuan bawat litro sa 98 unleaded gasoline, at 27.1 yuan bawat litro para sa super diesel. Ngayong linggong ito, naglunsad ang Chinese Petroleum Corporation ng dual mechanism upang patatagin ang presyo ng langis upang ma-absorb ang ilang bahagi ng pagtaas. Sa kabuoan, ang gasolina at diesel ay na-absorb ng Chinese Petroleum Corporation ng 0.1 yuan at 0.6 yuan.

Ayon sa CPC, ang floating oil price adjustment principle price adjustment index 7D3B (70% Dubai + 30% North Sea Brent) ay may average na weekly price increase ng US$1.11 at ang NT dollar ay tumaas ng 0.026 yuan laban sa US dollar. Ang presyo ng lokal na langis ay tumass ng 1.12% ayon sa formula.

Ayon sa the adjustment principle of the floating oil price mechanism, ang gasoline at diesel ay dapat tumaas ng NT$0.4 at NT$0.3 bawat litro. Upang mapanatili ang mababang presyo kumpara sa mga kalapit-bansa sa Asya (Japan, South Korea, Hong Kong, Singapore), ia-absorb ng CPC ang presyo ng diesel ng NT$0.5.

Dahil lagpas 30 yuan ang 95 unleaded gasoline matapos ang absorption, naglunsad pa ang CPC ng oil price stabilization measures. Sa unang stage, nag-absorb ng 25% amplitude adjustment at rounds up. Ang bawat litro ng gasoline at diesel ay ia-absorb ng CPC ng 0.1 yuan.

Dahil sa paglulunsad ng dual stabilization mechanism para sa presyo ng langis, nakapag-absorb ng 0.1 at 0.6 ang CPC para sa gasoline at diesel. Tumaas ang presyo ng lokal na gasoline ng 0.3 samantalang ang diesel ay bumaba ng 0.3 bawat litro.

Binigyang-diin ng CPC, magkakaroon ng adjustment ang presyo ng lokal na langis ayon sa oil price formula at government’s reduction of goods tax mechanism at magpapatuloy ang operasyong ito na may pinakamababang presyo sa lahat ng mga bansa sa Asya at magpapairal ng mga stabilization measures upang makatulong sa pagpapatatag ng presyo ng lokal na langis. Ang 0.1 yuan at 0.6 yuan na kailangan sa adjustment para sa gasoline at diesel ay kontrolado ng Chinese Petroleum. Sa kabuoan, hanggang noong huling bahagi ng Abril ng taong ito, nakapag-absorb ang Chinese Petroleum Corporation ng kabuoang 3.678 billion yuan.

Comments

Latest Newsmore