close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Nagbabalik ang Taiwanese sugar apples sa China pagkatapos ng dalawang taon

  • 24 June, 2023
  • 汪馬雪莉
Nagbabalik ang Taiwanese sugar apples sa China pagkatapos ng dalawang taon
Taiwanese sugar apples make a comeback in China after two years. (Photo:CNA)

Inanunsyo ng Taiwan Affairs Office ng China noong Martes na magpapatuloy ang pag-import ng Taiwan sugar apples, pagkatapos ng halos dalawang taong pagkakasuspindi. Gayunpaman, tanging ang  mga rehistradong pabrika ng packaging at mga taniman lang ang papayagang mag-import.

Sinabi ni Agriculture and Food Agency Director General Hu Jong-i (胡忠一) na tinatanggap niya ang pag-unlad at umaasa na malapit nang alisin ng Tsina ang pagsususpinde sa iba pang mga produktong pang-agrikultura ng Taiwan, tulad ng mga pineapples at wax apples.

Sinuspinde ng China ang pag-import ng Taiwanese pineapples mula Marso 2021 sa kadahilanang may nakitang mga peste sa agrikultura. Noong Setyembre 20 ng parehong taon, sinuspinde rin nito ang pag-import ng Taiwanese sugar apples at wax apples sa parehong dahilan.

Comments

Latest Newsmore