Upang maakit ang mga natatanging dayuhang talento na pumunta sa Taiwan, ang Legislative Yuan nuong ika-30 ng Hunyo ay nag-amyenda at nagpasa ng "Entry, Exit and Immigration Law" sa ikatlong pagbasa, na nagdagdag ng mga espesyal na kontribusyon sa Taiwan, gaya ng mga senior professionals, first prize winners sa iba't ibang propesyonal na larangan, at mga aplikante para sa investment immigration. Ang mga asawa, menor de edad na bata at mga batang may kapansanan ay maaaring mag-aplay para sa permanenteng paninirahan kasama nila.
Upang maakit ang mga natatanging dayuhang talento na pumunta sa Taiwan at madagdagan ang mga insentibo para sa permanenteng paninirahan sa Taiwan, pagkatapos ng rebisyon ng batas, ang mga regulasyon sa pananatili at paninirahan ay luluwag, at ang mga nanalo ng nangungunang premyo at mamumuhunan na gumagawa ng mga espesyal na kontribusyon sa Taiwan kasama na rin ang mga senior na propesyonal, at mga nanalo sa kumpetisyon na kinikilala sa buong mundo sa iba't ibang larangan ng sports at ibang mga propesyonal ay idadagdag na rin. Ang mga imigrante, asawa ng aplikante, mga batang wala pang 18 taong gulang at mga batang may kapansanan ay maaaring mag-aplay para sa permanenteng paninirahan nang magkasama.
Ang rebisyon ng batas ito ay nagpapaluwag din sa tuntunin na ang mga dayuhan na nabigyan ng permanenteng paninirahan na sila ay dapat manirahan sa Taiwan sa loob ng 183 araw sa loob ng isang taon.
Upang maakit ang mga overseas Chinese na bumalik sa bansa, ang third reading clause ay nagre-relax din sa mga nauugnay na regulasyon. Ang mga nationals na walang house registration na pumasok sa bansa na may pasaporte ng Republika ng China ay exempted sa pag-apply para sa entry permit. Ang pananatili ay binago na rin mula 7 taon imbes nam5 taon, at ang taunang paninirahan ay 183 days. Kung ang bata ay higit sa isang araw na gulang, maaari siyang mag-aplay para sa paninirahan; para sa mga batang ipinanganak sa ibang bansa na pumasok sa bansa na may pasaporte, ang limitasyon sa edad ay kanselado rin para sila ay mag-apply para sa settlement.