Ang New Taipei City Cultural Affairs Department ay nananawagan para sa pagsusumite ng Chinese literary work para sa kanilang Literature Awards Competition. Ang mga lokal at internasyonal na pagsusumite ay tinatanggap bago mag July 15, 2023 para sa pagkakataong manalo ng cash prize. (Higit sa NT$1.3 milyon ang total prize.)
Ang mga orihinal na sanaysay na Chinese, tula, maikling kwento, kwento ng librong may larawan ay lahat tinatanggap. Bilang karagdagan, ang isang espesyal na kategorya ng larawan o larawan sa sanaysay ay bukas din para sa mga bagong imigrante. Binigyang-diin ni Lin, Shih-ying (林詩穎), New Taipei City Cultural Affairs Department Cultural Development Section Chief, na ang mga kontribusyon mula sa mga baguhang manunulat ay malugod na tinatanggap basta ang mga entry ay nakasulat sa Chinese.
Ipinaliwanag din ni Lin na ang mga sanaysay na isinumite para sa kategorya ng new immigrants photo o picture essay ay dapat nasa pagitan ng 100 at 500 salita at may kasamang larawan, puwedeng photo o sariling drawing. Ang unang magwawagi ng premyo para sa kategoryang ito ay makakatanggap ng NT$20,000, ang pangalawang premyo naman ay makakatanggap ng NT$10,000, at ang honorable mention ay makakatanggap ng NT$5,000.
Ang New Taipei City Literature Awards ay nilikha upang hikayatin ang mas maraming tao na lumahok sa paglikha ng Chinese literary creation at linangin ang bagong talento. Ang award ceremony ay inaasahang gaganapin sa Nobyembre ng taong ito. Bilang karagdagan sa mga nanalo na tumatanggap ng mga tropeo at premyong pera, ang lahat ng mga nanalong gawa ay ie-edit at mai-publish din.