Ang Bureau of Animal and Plant Epidemic Prevention and Quarantine ng Council of Agriculture ay nag-anunsyo nuong (ika-14 ng Hulyo) na ang isang katutubong sakahan ng manok sa Yanpu Township, Pingtung County ay na-diagnose na may H5N1 subtype na highly pathogenic avian influenza. Nakumpleto na ang pagtanggal at pagkasira ng mga native breeder na manok at ang pagdidisimpekta sa site.
Ipinunto ng Bureau of Prevention and Inspection na matapos matanggap ang abiso mula sa Animal Health Laboratory ng Council of Agriculture, isang native chicken farm sa Yanpu Township, Pingtung County ang na-diagnose na may H5N1 subtype na highly pathogenic avian influenza. Ayon sa standard operating procedure, Ang Animal Epidemic Prevention Office ng Pigtung County ay nagsagawa ng culling and destruction operations ng 7,838 black-feathered native na manok at 11,527 red-feathered native na manok, sa kabuuan ay 19,365 native breed na manok, at pinangangasiwaan ang industriya upang makumpleto ang paglilinis at pagdidisimpekta ng site.
Ayon sa statistics mula sa Bureau of Prevention and Inspection, 39 na kaso ng avian influenza ang nakumpirma at natanggal hanggang sa taong ito, kabilang ang 33 land poultry farm, 2 duck farm, 2 geese farm, at 2 water and land poultry farm.