Nag-aalala ka bang magbababad na lamang sa net ang iyong anak pagkatapos ng holiday? Nais mo bang magkaroon ng mas maraming physical leisure activities ang mga kabataan? Ayon sa pag-aaral na inilathala ng Scandinavian Journal of Sports Medicine and Science, kahit ang maliliit na bilang pero regular na leisure physical activity ay maaaring makapagpababa ng depresyon, anxiety, at chronic stress sa mga kabataan.
Ang pagbuo ng isang grupo upang mag-ehersisyo at hikayatin ang bawat isa ay magdudulot ng magandang kalusugan.
Pinag-aralan din ng mga dalubhasa ang kaugnayan ng mga physical activity sa long-term stress responses at dalas ng pagpapakonsulta sa isang school psychologist. Natuklasan nila na ang pagkakaroon ng 30 minutong physical activity bawat linggo ay nagpapababa ng sintomas ng chronic stress ng 17% kumpara sa walang physical activity. Dagdag pa dito, ang mga kabataang mayroong isang oras ng physical activity bawat linggo ay may 22% at 32% mas mababang makakaranas ng sintomas ng depresyon at anxiety. Ang mga kabataan namang nag-eehersisyo ng apat na oras kada linggo ang may pinakamababang antas ng mental health symptoms. Subalit, nakita rin sa survey na ang mga kabataang naglalakad o nagbibisikleta pagpasok sa paaralan ng mahigit 30 minuto bawat araw ay may mas mataas na antas ng depressive symptoms at mas mataas na antas ng pagkonsulta sa mga school psychologists.
Ipinaliwanag ni Dong Xuying, direktor ng National Cheng Kung University Education Research Institute, na ang serotonin ay pinoprodyus ng katawan habang nag-eehersisyo upang bumuti ang mood, ma-stimulate ang utak, at mapalawig ang pagiging malikhain, na mahalaga para sa mga bata at teenagers na nag-aaral. Nirekumenda niya ang pagkakaroon ng “group” exercise para sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-eehersisyo, matututunan nilang makisama at tingnan ang kapakanan ng bawat isa at mapanatili ang kalusugan ng katawan.
Maaaring mag-backfire ang involuntary exercise
Ipinaliwanag ni Ye Yaxin, direktor ng Mental Health Center of the Dong Foundation na maraming pag-aaral ang nagpapakitang ang pag-eehersisyo ay mabuti para sa mental health, subalit may kabaligtarang epekto sa mga kabataang naglalakad o nagbibisikleta papasok sa paaralan ng mahigit 30 minuto bawat araw. Maaaring dahil hindi magkapareho ng kalayaan sa pagpili ng transportasyon ang mga kabataan at mga nakatatanda. Maaaring magkaroon ng hindi magandang routine kapag may kasamang isang kabataang kailangang pumasok sa paaralan ng may malayong distansya. Subalit, ang paggawa ng mga physical leisure activities ay epektibong nakapagpapabawas ng stress at depresyon dahil sa epekto ng pakikisalamuha at pakikibahagi sa iba.
Kailangang maging halimbawa ang mga magulang upang mapaganda ang exercise habits ng mga bata.
Sa pagpapaganda naman ng exercise habits ng mga bata, nagbigay ng suhestyon si Ye Yaxin na kailangang magsimula ito sa mga magulang. Pumili sila ng isang sport na hindi gaanong mahirap gawin pero may malaking epekto (gaya ng pagtakbo), at samahan ang kanilang mga anak na gawin ito ng regular sa loob ng 3 linggo. Ang pagkakaroon ng pattern ay nakatutulong upang mabuo ang exercise habit ng isang bata.