close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

May lagnat, nagsusuka, at may diarreha ang mga kuting

  • 20 July, 2023
  • 汪馬雪莉
May lagnat, nagsusuka, at may diarreha ang mga kuting
"Feline panleukopenia" ay isang viral infectious disease na dulot ng feline parvovirus. Ito ay lubos na nakakahawa at may mataas ng antas ng kamatayan sa mga kuting. Kilala ito bilang “number one killer” ng mga pusa. (Larawan/Mula sa Animal Protection and Epidemic Prevention Department of New Taipei City) (Larawan: Mula sa Health Medical Network)

Nakatanggap ng notipikasyon ang New Taipei Animal Welfare Office na ilang kuting ang may lagnat, nagsusuka, at may diarrhea, at sila’y nanganganib na mamatay bunga ng “feline plague!” Ayon kay Li Jianpei, isang beterinaryo sa Animal Protection and Epidemic Prevention Department of New Taipei City na ang tamang pangalan ng feline plague ay "feline panleukopenia". Ito ay isang viral infectious disease na may mataas na antas ng panghahawa at mataas na antas ng kamatayan. May 4 na kuting na ginamot sa pamamagitan ng infusion at mga gamot at nailigtas ang kanilang buhay.

Ayon sa ulat ni Chen Zhenying, isang volunteer mula sa Animal Protection Department of New Taipei City, ilang kuting sa Xindian District ang nagsusuka, may diarrhea at walang ganang kumain. Nagpadala agad ang Animal Protection Department ng mga rescuers upang kunin ang mga ito at dalhin sa Animal Medical Center upang magamot. Matapos ang eksaminasyon, natuklasang ang kuting ay may contagious disease na “feline distemper” at nangangailangan ng transfusion at isolation treatment, kung hindi ay imposibleng mailigtas ang buhay nito.

Mag-ingat sa 6 major symptoms ng cat panleukopenia

Ayon kay Li Jianpei, isang beterinaryo mula sa Animal Protection Department, ang tamang pangalan ng feline distemper ay "feline panleukopenia", na isang viral infectious disease bunga ng Feline Parvovirus, na lubos na nakakahawa at may mataas na antas ng kamatayan, nakilala bilang “number one killer of cats". Clinically, ang 6 na major symptoms ay karaniwang makikita at may iba pang kaugnay na sakit ang nagdudulot ng mababang immunity:

  • Lagnat

  • Pagsusuka

  • Diarrhea

  • Walang ganang kumain

  • Magulong balahibo

  • Hindi masigla

Ang gamot sa feline distemper ay nutritional supplementations at symptomatic therapy. Ang intravenous infusion upang mabigyan ng electrolytes at iba pang nutrients ay nagpapataas ng antas ng paggaling, subalit dahil ang mga ugat ng isang kuting na may sakit ay sobrang nipis at madaling mag-collapse, mas mahirap gamutin ang feline distemper. Bilang karagdagam ang gamutang ito ay tinutukoy din sa foreign research reports at pagdagdag ng ilang mga gamot na nagligtas sa buhay ng kuting.

Matapos maalagaan ng mga volunteers sa isang enhanced isolation, gumaling na ang mga kuting, nakumpleto na ang mga mahahalagang bakuna, at masigla nang naglalaro, at naghihintay na lamang na may mag-ampon sa maliit na bayan ng Xindian Animal Home.

Ayon kay Volunteer Chen Zhenying, nung nag-aalaga sila ng mga kuting nung nakaraan, mas natatakot sila sa mga pusang nagsusuka at nadiskubreng mayroon silang feline distemper, dahil ang mga kuting na nahawahan ng feline distemper ay mas mahirap alagaan, mas madali silang namamatay. Sa ngayon, matapos gamutin ang kuting sa medical center at siya mismo ang nagpakain ng sapilitan, nagpapahid ng mga nutrition cream, nagbibigay ng baby food at milk powder, matagumpay na nalagpasan ng kuting ang sakit at bumalik ang sigla nito na lubhang nakakatuwa. Kahit na napakahirap alagaan ang mga ito sa loob ng 2 linggo, nalagpasan ng kuting ang panganib ng sakit at masayang naglalaro sa kanyang kulungan na nagpapasaya sa kanya.

Ayon sa New Taipei City Animal Protection Department, ang feline distemper ang number one killer ng mga pusa, lubos na nakakahawa at nakamamatay. Nanawagan sila na regular na pabakunahan ang mga alagang pusa bawat taon upang maprotektahan ang kalusugan nito. Bilang karagdagan, pwedeng mag-ampon ang mga pamilyang gustong mag-alaga ng pusa. Matapos na mataya ang breeding environment at mabigay ang mga nararapat na kundisyon ng bawat partido, maaari na silang mag-ampon ng hayop mula sa iba’t ibang animal homes at maaari din silang makakuha ng mga exclusive platinum cards at pet breeding certification cards. Makakakuha sila mula sa mga cards na ito ng mga offers, kasama na ang “free life-long rabies vaccination”, "free 1-time internal and external parasite and heartworm prophylaxis", "free 1-year dog 8-in-1 or cat 3-in-1 vaccine", “paggamit ng card sa 151 animal hospitals sa New Taipei City na may libreng registration fees para sa mga alaga nila ng habang-buhay”, “medical examination services ng kalahating taon at telephone consultation sa mga opisyal na beterinaryo”, at iba pa na may higit-kumulang na sampung libong yuan. Kahit sinong mamamayan ay maaaring mag-ampon.

Comments

Latest Newsmore