close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ang Taiwan ay nasa ika-31 na ranggo sa pinakamakapangyarihang ranggo ng pasaporte sa buong mundo

  • 24 July, 2023
  • 何薇薇
Ang Taiwan ay nasa ika-31 na ranggo sa pinakamakapangyarihang ranggo ng pasaporte sa buong mundo
Taiwan Passport

Inanunsyo ng "Henley & Partners Passport Index" para sa ikatlong quarter ng 2023, at nalampasan ng Singapore ang Japan para sa unang ranggo. Nasa ika-31 ang Taiwan, na nagpapahintulot sa paglalakbay na walang visa sa 144 na destinasyon countries ng turista.

Ayon sa pinakahuling ranking ng "Henley Passport Index" , matapos mahawakan ang nangungunang puwesto sa loob ng limang magkakasunod na taon, ang Japan ay sumuko sa kanyang nangungunang posisyon sa unang pagkakataon at nahulog sa No. 3. Nangunguna ang Singapore, at matatawag itong bansang may pinakamalakas na pasaporte sa buong mundo.

Ang Henley Passport Index ay naghahambing ng 199 iba't ibang pasaporte para sa visa-free na paglalakbay sa 227 na destinasyon countries. Ang mga mamamayan ng Singapore, ang nangungunang manlalakbay, ay maaaring maglakbay sa 192 destinasyon nang walang visa.

Tatlong bansa sa Europa, kabilang ang Germany, Italy at Spain, ang nakatabla sa pangalawang puwesto, at ang kanilang mga mamamayan ay maaaring maglakbay sa 190 destinasyon ng turista nang walang visa.

Ang Japan ay pumangatlo kasama ang anim na iba pang bansa, katulad ng Austria, Finland, France, Luxembourg, Sweden at South Korea, na maaaring maglakbay sa 189 na destinasyon ng turista nang walang visa.

Ika-31 ang Taiwan kasama ang Macau at Panama, at maaaring maglakbay sa 144 na destinasyon nang walang visa. Ika-17 ang Hong Kong, at ika-63 ang China na maring maglakbay sa 80 destinasyons.

Sa pagkakataong ito, ang Afghanistan, Iraq, at Syria ay naka-rank sa tabi ng isa't isa, at maaari lamang silang maglakbay sa 27, 29, at 30 destinasyons ng walang visa, ayon sa pagkakabanggit.

Comments

Latest Newsmore