close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Search and rescue dogs IRO International Evaluation Platform Day 8 teams nakatanggap ng mga sertipiko

  • 27 July, 2023
  • 汪馬雪莉
Search and rescue dogs IRO International Evaluation Platform Day 8 teams nakatanggap ng mga sertipiko
Matagumpay na natapos ang "National Disaster Search and Rescue Dog IRO International Assessment Test". Ayon sa Fire Department, may kabuoang 28 teams mula sa Japan, mga domestikong firefighting, at mga pribadong organisasyon ay nakilahok at may 8 teams na nakapasa sa A at B-level assessment certification at maaaring maging isang opisyal na search and rescue dog. Nasa larawan ang isa sa mga asong nakilahok. (Larawan: Central News Agency)

Natapos na ang tatlong araw na "National Disaster Search and Rescue Dog IRO (International Search and Rescue Organization) International Evaluation Test". Ayon sa Fire Department, may kabuoang 28 teams mula sa Japan, mga domestikong firefighting, at mga pribadong organisasyon ay nakilahok at may 8 teams na nakapasa sa A at B-level assessment certification at maaaring maging isang opisyal na search and rescue dog.

Upang patuloy na mapabuti ang disaster relief capabilities ng mga search and rescue dogs, naglunsad ang Fire Department ng "National Disaster Search and Rescue Dog IRO International Evaluation Test" sa Fire Department Training Center sa Zhushan Town, Nantou County. May kabuoang 28 registered teams mula sa Japan, mga domestikong firefighting, at mga pribadong unit teams.

Isinagawa ang "National Disaster Search and Rescue Dogs IRO International Assessment and Testing" sa ilalim ng mainit na araw at malakas na pag-ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na araw. Inihayag ng fire department na matagumpay na nagtapos ang nasabing gawain. Sa pagtatapos, 2 teams ang nakapasa sa V-level (primary), 6 na teams ang nakapasa sa A Level (intermediate), at dalawa naman ang nakapasa sa assessment ng level B (advanced).

Ilan sa kanila, ang team na nakapasa sa B-level evaluation ay si Luo Haofang, ang dog leader ng New Taipei City Fire Department, at ang asong si A-MEI, Murase Hidebo at BUNJIRO mula Japan Association of Rescue Dog Trainers.

Kasama sa A-level evaluation team sina Wu Weiyi at AQUA mula sa New Taipei City Fire Department, Chen Baicun at MANGO ng New Taipei City Fire Department, Qiu Kaihong at FANCY mula sa Hualien County Fire Department, Li Weishuo at Parker mula Taichung City Fire Department, at Tainan City Fire Department. Liu Yanhuang at DOTA ng Taoyuan City Fire Department, at Lu Hongen at APRIL ng Taoyuan City Fire Department.

Sina Jiang Zhuying at LYNA, ang nakapasa sa V-level evaluation, at Liu Zhefu at KIKI mula New Taipei City Fire Department.

Ayon sa Fire Department, ang mga asong nakapasa sa A at B-level assessments ay bibigyan ng parangal na search and rescue dog certificate at magiging opisyal na search-and-rescue dogs; bilang karagdagan, ang mga asong nakapasa sa V-level examination ngayon ay may katumbas na ticket para sa A-level examination. Sa susunod, maaaring nang makibahagi sa pagtataya upang maging opisyal na search and rescue dog.

Dahil mas mababa ang passing rate ng assessment ngayon kumpara sa mga nakaraan, ipinaliwanag ng Fire Department na sa mga nakaraang taon, ang examination ay karaniwang ginagawa tuwing Nobyembre hanggang Pebrero kung kailan mas malamig ang panahon. Subalit ang tatlong araw na pagsusulit ngayon ay ginawa sa ilalim ng napakainit na panahon at karaniwang naaabala pa dahil sa malalakas na ulan tuwing hapon. Malaki ang sakop ng naging pagsusulit at ang pass rate ay hindi kasing ganda kumpara sa nakaraan.

Binanggit ng Fire Department na ang nag-iisang foreign team na nakilahok ngayon ay si Hidehiro Murase, ang chairman ng Japan Rescue Dog Trainers Association, na 70 taong gulang na, at si BUNJIRO, isang self-trained search and rescue dog. Isang tao ang isang aso ang dumating sa Taiwan upang kumuha ng test at sila’y natabunan ng kaskaho, umakyat at bumaba, at pumasa sa B-level certification pagkatapos ng mahirap na trabaho.

Madalas na nagpupunta sa Taiwan si Inbo Murase bilang referee at nagbibigay ng mga kumento sa mga kandidato. Ayon sa Fire Department, ngayon pinakita niya ang mga training suggestions na binigay niya noong mga nakaraan bilang isang kandidato. Maraming mga Taiwanese dog leaders ang sinamantala ang oportunidad na ito upang magmasid at mapag-aralan, at ramdam nila na marami silang natutunan.

Ipinahayag ng Fire Department na upang patuloy na mapabuti ang disaster relief capabilities ng mga domestic search and rescue dogs at mapalakas ang kahusayan sa human life search and rescue, patuloy silang maglulunsad ng the "National Disaster Search and Rescue Dogs IRO International Evaluation Test" upang maging handa sa anumang posibleng sakunang mangyayari. Ang mga search and rescue dogs na pumasa sa test ay daglian ding matatawag upang makasama sa mga ranggo ng disaster rescue.

Comments

Latest Newsmore